Kabanata 50

2.5K 55 7
                                    

Kinaumagahan, okay na okay na si KL kaya pwede na siyang pumasok sa school.

Kahit medyo hirap pa siya lumakad, pinilit niya nalang na wag mahalata ng mga kaibigan dahil baka ayaw na naman siyang payagan.

"KL, sigurado kang kaya mo na?" Nag alalang tanong ni AK habang naglalakad sila sa secret road papuntang NCJ-U.

Napatigil saglit si KL saka hinarap ang kaibigan sabay ngiti.
"Oo naman AK kayang kaya ko na" sabi niya.

"Basta kung biglang sumama pakiramdam mo sabihin mo agad sa amin ha?" Sabad naman ni Raizah.

"Oo, AK, Raiz" nakangiti pading sabi ni KL. Parang ang gaan ng pakiramdam niya. Salamat sa mabubuting kaibigan niya. Napakaswerte niya para magkaroon ng katulad ng mga ito. Pero bigla ding nawala ang masaya niyang pakiramdam ng maalala ang isang bagay na sobra niyang kinakatakutan. Iyon ay ang malaman ng mga ito na anak siya ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ng mga ito.

Napapikit nalang si KL para mapigilan ang ano mang emosyon na gustong kumawala.

"Asan kaya ang wannabe prince?" Kunwaring tanong ni Raizah. Para mawala ang biglang lungkot na nakita niya kay KL.

"Ay naku, iwan ko sa mga iyon. Sabi lang ni Raydan, may mahalagang mission daw na ibinigay sa kanila ang mga mommy nila" sagot ni AK.

"Ganun ba? Si NJ kaya kamusta na?" Singit naman ni KL.

"Aba, mukhang namimimiss niya na ang prinsipe niya" tukso ni Raizah.

"Oo nga Raiz, kaya naman pala kanina ko pa nararamdaman na malungkot siya" sang ayun din ni AK.

"Oi hindi ah, masama ba magtanong?" Katwiran ng namumulang si KL.

Napatingin si Raizah kay AK, nakalimutan niyang ito pala ang formusa. Kaya sigurado siyang magaling itong makiramdam ng kahit anomang emosyon sa paligid. Napabuntong hininga siya, sa paanong paraan niya kaya mapoprotektahan ito at masabi ang katotohanan tungkol kay KL para di ito sobrang masaktan.

"Raiz?" Tulad nga ng inaasahan niya, napansin agad ng kaibigan ang pagbuntonghininga niya.

"Bakit Raiz, may problema ba?" Nag alalang tanong ni AK. "Mamayang hapon after ng klase natin, puntahan natin ang puntod ng mga magulang mo" dagdag pa nito ng maalala ang sinabi ng kaibigan kahapon na ngayong araw ang death anniversary ng magulang nito.

"Pasensya kana AK, okay lang ako" sagot naman ni Raizah saka pilit na ngumiti.

"Naku AK, hayaan mo nalang yang si Raizah, namimiss lang niyan si Derick" biro ni KL.

"Ah ganun ha, binaliktad mo pa sakin" sabi ni Raizah at akmang kikilitiin si KL pero mabilis na agad itong umiwas.

"Aray!" Impit na sigaw nito dahil nakalimutan niyang masakit padin pala ang paa niya.

"KL/KL" sabay naman na sabi ng dalawa AK at Raizah saka dinaluhan ang kaibigan.

Tinulungan nila itong makatayo.

"Okay kalang ba?" Nag alalang tanong ni AK habang nakatingin sa nakangiwing kaibigan.

Mahinang tango naman ang sinagot nito saka pinilit ang sarili, para maayos na makatayo.

"KL, mukhang di ka padin okay wag-" sabi ni AK pero di na natuloy ang sasabihin niya dahil itinaas na ni KL ang kamay.

"Kaya ko AK" nakangiti nitong sabi.

Napabuga nalang ng hangin si AK saka tumango.
"O siya tara na at baka ma late na tayo" sukong sabi niya sabay akay sa kaibigan.

Magkatulong sila ni Raizah sa pag alalay kay KL, medyo mabagal ang lakad nila dahil nag alala silang mabigla ang paa ng kaibigan.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon