Habang mabilis sa pagtakbo si KL para makalayo sa bahay ng pinagtaguan sa kanya ni Marco Viejj, patuloy naman ang pambubogbog kay NJ na halos wala ng ulirat.
"Wag tigilan yan, hanggat di namamatay. At pagkatapos tawagin niyo si Karishia para makita niya ang nangyari sa pinakamamahal niyang nobyo" sabi ni Marco pagkatapos tingnan ang nakahandusay na binata saka tumalikod sabay tawa ng malakas.
Samantala sa hospital hindi mapakali ang limang binata. Nag-alala sila para kay NJ dahil hindi nila ito macontact.
"Fuck!" gigil na bulalas ni Raydan pagkatapos ibaba ang cellphone dahil ring lang ng ring iyon at hindi sinasagot ni NJ.
"Tol ang mabuti pa sundan nalang natin siya" sabi ni Derrick saka tiningnan si Cid at TJ. "Maiwan nalang kayo dito tol, para kapag magising si tito mag magpapaliwanag sa kanya" dagdag niya.
Sabay naman na tumango ang dalawang binata.
"Let's go" agad na sabi ni Raydan at nauna ng lumabas. Mabilis nilang tinungo ang parking area kung saan nakapark ang kotse nila at agad na pinaharorot iyon palayo.
"Tol, subukan mo siya ulit tawagan" utos ni Raydan kay Derick dahil ito ang nagmamaneho.
Di naman nagsalita pa ang binata agad niyang kinuha nag cellphone saka tinawagan ang kaibigan. Pero tulad ng mga nauna nilang pagtawag nag riring lang iyon.
"Shit! Tol what happen to you" inis na sabi ni Derick.
"Wala pa rin?" panigurado naman ni Raydan. "Di bale malapit narin naman tayo" nasabi nalang ng binata dahil hindi na sumagot si Derick.
Nasa paakyat na silang bahagi ng kalsada ng may matanawan si Derick ng isang babaeng tumatakbo sa gilid. Napakunot - noo siya ng makilala kong sino ito.
"Karishia?" malakas na sabi niya.
"What?" takang tanong naman ni Raydan.
"Tol bagalan mo ang sasakyan, parang si Karishia yang tumatakbo" sabi ni Derick saka nilingon saglit ang kaibigan at pagkatapos ibinalik ang tingin sa babaeng papalapit sa kanila.
Binagalan nga ni Raydan ang sasakyan sabay tabi at tuluyan ng itinigil ito. Mabilis na umibis si Derick saka sinalubong ang hingal na hingal ng si KL.
"Karishia?" nagtatakang sabi ni Derick ng makalapit ang dalaga.
"D-derick? A-anong ginagawa niyo rito?" hinihingal na tanong niya.
Nagkatinginan sila Raydan at Derick at pagkatapos sabay na tumingin kay Karishia.
"Nasaan si NJ?" tanong ni Raydan.
"Ha?" naguguluhan namang sabi ng dalaga saka palipat-lipat ng tingin sa dalawang binata.
"Sumugod mag-isa si NJ sa resthouse ni Marco Viejj para iligtas ka" sabi naman ni Derick.
Napasinghap si KL saka napatakip ng nakaawang na bibig. Bigla niyang naisip ang parang binubogbog ng mga knight crest kanina habang tumatakas siya.
Napailing siya habang nagsisimulang tumulo ang mga luha.
"Hindi! Impossible" tanggi niya na parang sinasabi niya sa sarili na impossibleng matalo si NJ ng mga knight crest. Pero naisip niya din na sa sobrang dami ng mga knight crest na iyon kanina at mag-isa lang ang binata, siguradong matatalo ito.
Dahil sa naisip biglang pumihit ang dalaga saka mabilis na tumakbo pabalik.
"Karishia" tawag naman ni Raydan saka sinundan ang dalaga. Iniwan na nila ang sasakyan nila.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...