Kabanata 59

1.3K 53 27
                                    



"Ren ready na ba lahat?" tanong ni Nicole sa kaibigan.

Humarap naman ito mula sa pagkakayuko sa mesa saka nakangiting tumango.

"Nics, kailangan ba talaga nating gawin ito?" nag aalangang tanong ni Kaithleen.

Tumango si Nicole pagkatapos lumingon sa kanya.

"We need to do this Kai" sagot niya.

"Pero Nics, tingin ko naman hindi siya hahadlang sa magiging plano natin" singit ni Raya.

"Kahit ano pa Ray, He is still her father" matigas na sagot ni Nicole.

Napailing nalang si Raya saka umupo sa sofa. Hanggang ngayon di parin siya sang ayon sa gustong gawin ng kaibigan.

"Nics, paano kung hindi mag work ang plan natin?" tanong naman ni Yuri.

"Tiwala akong magagawa na natin this time Yur" sagot naman ni Nicole na buo ang loob na mapapabagsak na rin si Marco Viejj.

Napabuntong-hininga nalang ng halos sabay ang mga kaibigan niya. Plano kasi ni Nicole na pansamantalang itatago si KL malayo sa mga kaibigan nito at lalong lalo na kay Marco Viejj.

"Ang inaalala ko lang kasi ni Nics, si NJ" sabi ulit ni Raya.

"NJ will understand Ray" giit ni Nicole. Napabuntong – hininga nalang si Raya at di na nagsalita pa. Mukhang hindi na mababago ang plano ng kaibigan. Magtiwala nalang siya na magiging maayos ang lahat. Pasalamat nalang na hindi na ipipilit ng kaibigan na burahin ang alala ni KL tulad ng orihinal nitong plano.

"This time our plan will going to work" Matigas na sabi ni Nicole habang mahigpit na hawak ang cellphone.

Samantala, mabilis ng nakarating si Rhadz at mga tauhan niya sa Arena, mabuti nalang at naunahan nila sa pagdating si Marco Viejj kaya Malaya niyang maisasagawa ang mga plano.

Malalaki ang hakbang na naglakad si Rhadz papasok ng arena tuloy tuloy hanggang sa pinaka gitna kung saan nag aaway ang mga gangsters. Madaming gangsters na ang nag aabang sa kanya dahil nakapag padala na siya ng mensahe sa lahat ng gang leaders sa papamamagitan ng website ng arena.

Humigit muna siya ng malalim saka kinuha ang mic.

"Good evening Gangsters" panimula niya. "Marahil nagtataka kayo kung bakit biglaan ko kayong pinatawag lahat dito" dagdag niya saka inilibot ang tingin sa mga gangsters na naka upo sa bench na nakapalibot sa arena. Umugong naman ang mga boses ng mga ito na halos lahat nagtataka maliban nalang sa iilang gangsters na alam na ang talagang dahilan ng biglaang meetings.

"Tungkol ito sa nangyaring laban nila King at Marco Viejj" sabi niya ulit na agad namang ikinatahimik ng mga gangsters. "Hindi naman lingid sa ating lahat ang uri ng ginawang laban ni Marco Viejj, malinaw na dinaya niya ang King sa naturang laban" matigas niyang sabi. Kailangan niyang patapangin ang boses para mapasunod niya pati ang mga underlings ni Marco Viejj.

"Bilang bagong tagapangalaga ng Golden Ring" sabi niya ulit saka tumigil saglit dahil umingay na naman ang buong arena. Itinaas ni Rhadz ang kaliwang kamay para patigilin ang ingay. "Hindi ko papayagan na maupo si Marco Viejj bilang bagong King of all Gangsters" dagdag niya sabay dukot ng Golden Ring na nasa safe pocket ng jacket niya at iniangat ito para makita ng mga gangsters. Mas lalong lumakas ang ugong dahil sa sabay sabay na salita ng mga gangsters. Lahat di makapaniwala sa nakita, ang singsing na hinahangad ng halos lahat ng gangsters at inakalang naibaon na sa limot dahil hindi ito makita, ngayon andito sa harapan nila at hawak ng isa sa pinakamataas na official ng Arena.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon