Kabanata 48

4.4K 99 20
                                    

Sorry sa sobrang tagal na UD.. medyo maraming inasikaso si ako..

minadali ko lang to at wala nang edit-edit, kaya EXPECT niyo na ang WRONG GRAMMARS hahaha

Oh siya, ito na! ENJOYYYY :)

*************************************************************************

Lunes ng madaling araw, nagising na si KL. Hindi niya kasi alam kung bakit kagabe pa siya balisa, parang pakiramdam niya may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Kung sabagay, simula ng malaman niya ang totoo sa pagkatao niya, halos araw-araw na siyang balisa at hindi makatulog ng maayos, dahil sa takot na baka malaman ng mga kaibigan ang totoo. Kapansin-pansin narin ang pangingitim sa ilalim ng mga mata niya sanhi ng kakulangan sa tulog.


"Tay? Kung nasaan kaman ngayon, please tulungan mo ako" bulong niya sa sarili sabay tingala. Pilit niyang pinipigilan ang mga luhang nagbabanta na namang dumaloy mula sa mga mata niya.


Hanggang kailan kaya niya makakayang itago ang lahat? Hanggang kailan mamamahay ang takot sa dibdib niya sa tuwing may makakasalubong silang knight crest at iniisip niyang baka biglang nalang sabihin ng mga ito na anak siya ni Marco Viejj.


Ahh' halos mabaliw na siya sa kakaisip ng dapat gawin para manatiling normal parin ang lahat.


Ilang beses niya naring inisip na umalis nalang at magpakalayo. Pero inaalala niya naman si AK siguradong malulungkot ang kaibigan kapag umalis siya ng walang dahilan. At sa bandang huli, malalaman padin nito ang buong katotohanan.


"Ahhhhhh" impit niyang sigaw sabay hampas ng unan sa mukha niya. "Ayoko naaaaa! Bakit sa akin pa nangyari to? Bakittttt?" di na niya mapigilang mapahagulgol sa sobrang frustration na nararamdaman.



Bakit kung kailan na pakiramdam niya, kumpleto na siya at wala ng mahihiling pa, bigla naman dumating ang bagay na ito. Bakit napaka unfair ng buhay? Bakit hindi nalang hayaang sumaya ang bawat tao, bakit kailangan pang bigyan ng mga ganitong pagsubok? Para ano? Para doon masusukat kung hanggang kailan ang kaya niya?



Pumikit siya ulit at pinilit na matulog, pero kahit anong gawin niya hindi na talaga siya makakatulog pa. Bumangon nalang siya saka nagtuloy sa banyo para maligo. 


20 minutes tapos na siyang mag ayos ng sarili. Maingat siyang lumabas sa terrace na nagdudugtong sa kwarto nila ng kaibigan. Dasal niya lang na sana wag siyang maramdaman nito. Nakahinga lang siya ng maluwag ng tuluyan siyang nakababa ng hagdanang bato at ngayon, binabaybay na niya ang medyo may kadilimang daan palabas.


Mabilis siyang sumakay ng taxi nang makarating sa highway. Kailangan niya munang magpakalayo para mag isip ng dapat niyang gawin. Hindi pwedeng magpatalo nalang siya sa kabang nararamdaman sa tuwing napapalaban sila sa knight crest. 


Ilang minuto pa, tanaw na niya ang patutunguhan. Mapait siyang napangiti ng makita ang sumisilip na bukang liwayway. Kahit ang ganitong bagay na dati'y napapahalagahan niya, ngayon ni hindi na niya magawang ngitian.


Kasalanan lahat ito ng taong kinakamunghian niya. Kung sana hindi nalang niya nalaman ang lahat, di sana normal padin ang buhay niya, sana kahit wala na ang tatay Rod niya. Pero ngayon nag iba na ang lahat.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon