Tatlong araw nang nakaburol ang tatay Rod ni KL at sa loob ng tatlong araw na iyon, ni hindi makausap ng maayos ang dalaga. Lagi lang siyang nakatulalang nakatingin sa kawalan. Labis ng nag-alala ang mga tao sa paligid niya, lalong lalo na si AK at NJ.
“NJ? Anong gagawin natin kay KL?” naiiyak na tanong ng dalaga sa binata habang tanaw ang kaibigan na nakatulala na namang nakamasid sa kabaong ng tatay Rod nito.
Umiling si NJ dahil siya wala ding maisip kung ano ang dapat gawin. Hirap na rin siya sa sitwasyon.
“Tatlong araw na tayo rito” sabi naman ni Raizah. Napalingon naman ang dalawa sa kanya. Oo nga pala, tatlong araw na sila sa Zambales pero nagawa narin namang ipaalam ni AK sa ama ang nangyari, kaya wala naman dapat ipag-alala.
“Nagtataka parin kasi ako, kung ano ang kailangan ng knight crest sa iyo?” biglang sabi ni Raydan.
Umiling naman si AK dahil siya rin hindi alam kung bakit.
“Isa lang ang paraan para malaman natin” mahinang sabi ni AK pagkatapos pumikit ng mariin.
“Ano?” halos sabay naman nilang tanong maliban kay Raizah at NJ na mukhang alam na nag gustong sabihin ng dalaga.
“Makikipagkita ako sa kanya” sagot ni AK.
“NO!” halos sabay na sabi nila Raizah at NJ.
“Wag na wag mong gagawin yan AK, hindi mo kilala si Marco Viejj” sabi ni Raizah saka marahang niyugyog ang balikat ng kaibigan.
Napapikit ulit si AK, gusto niyang maiyak naaawa siya kay KL dahil pakiramdam niya, siya ang may kasalan nang nangyari sa tatay Rod niya. Kung hindi siya, hinahabol ng mga knight crest, hindi siguro makakarating ang mga iyon dito at wala sanang may napahamak.
Di nalang umimik pa si AK. Wala sa loob na napatingin siya sa maliit na susing ginawa niyang keychain sa cellphone niya. At bigla niya nalang din naalala ang panaginip niya noong unang beses na nagpunta sila sa beach house ni Raizah.
Mabilis na tumayo ang dalaga na ikinagulat ng mga katabi niya. Pati sila Aling Lourdes at nanay ni KL nagulat din at napalingon sa kanila, maliban kay KL na parang walang pakialam sa paligid.
“AK? Saan ka pupunta?” tawag ni Raizah sa dalaga ng magsimula na itong tumakbo paakyat ng hagdan.
Di siya sinagot ng dalaga kaya sumunod nalang din siya rito. Ganun din ang limang binata na sobrang nagtataka kung ano ang nangyari sa dalaga.
Hinihingal si AK ng marating ang pakay. Agad niyang binuksan iyon.
“Saan nga ba yun?” pabulong niyang sabi habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng library at pilit inaalala ang panaginip niya.
Mabilis niyang inisa-isang sinubukang buksan ang lahat ng drawer na sa tingin niya, kakasya ang susi. Pero nakapitong subok na yata siya, wala paring magkasya.
“AK/Kixzie” humahangos naman na sabay dumating ang mga lalaki.
Pero di sila pinansin ng dalaga. Abala parin ito sa paikot-ikot sa loob ng library.
“Anong hinahanap mo AK?” tanong ulit ni Raizah ng tuluyang makapasok.
“Pakiramdam ko, may kailangan akong makita dito, gamit ang susi na to” paliwanag naman ni AK na hindi manlang tinapunan ng tingin ang kaibigan.
Dahil sa narinig, tumulong nalang silang lahat para mahanap ang sinasabi ng dalaga. Pero ilang minuto na silang paroo’t parito sa malaking library ng mansion, wala parin silang makitang pwedeng mapagkasyahan ng susi. Hanggang sa mapadaku ang tingin ni AK sa mesang nakadikit sa pader at sa pinagpatong-patong na libro ibabaw nun. Iwan niya ba pero para may nag uudyok sa kanyang lapitan ang hawiin ang mga librong iyon.
BINABASA MO ANG
Allea Kixzie: The Gangster Princess
ActionNCJ University Book 2 Writerkuno Allea Kixzie THE GANGSTER PRINCESS Simple lang ang pangarap niya sa buhay. Ang mapagtapos ng pag aaral at alagaan ang mga taong nag aruga sa kanya mula pagkabata. Pero nabago lahat ng iyon ng mangyari ang isang trahe...