Kabanata 34

7.9K 132 2
                                    

Kinaumagahan.

"Mom! Are you sure,  you’re okay?" Tanong ulit ni NJ sa ina.

"Oo nga! Ang kulit mo Nicolai! Para kang ama mo!" Nakasimangot na sagot ni Nicole,  saka binalingan ang bunsong anak.

"Let's go baby!" Aya niya rito.

"But mom!" Patuloy parin na pinipigilan ni NJ ang ina.

"Nicolai Jeaden Park!" May pagbabanta sa boses na sabi ni Nicole saka hinarap ang anak.

"E kasi--" nagkakamot sa batok na sabi ni NJ pero pinutol na siya ng ina.

"I'm fine okay! Saka maraming gagawin ngayon sa school! At ngayon din dadating ang mga bagong teachers! Dahil nagpaalam ang tito Rein mo na hindi na muna magtuturo! At next week na ang unilympics! Kaya kailangan kong pumunta ng opisina" paliwanag niya.

"Pero hon,  di ka pa pwedeng magpagod!" Sabad ni Jeadan na kakapasok lang ng living room.

"Aiyst naman! Ang kukulit niyo! Mas kayo ang pumapagod sa akin eh! I want to go to my office! And that's final!" Gigil na sabi ni Nicole. Di niya alam kung bakit napaka hot tempered niya ngayon,  siguro dala lang ng pagbubuntis niya.

Nagkatinginan lang ang mag ama. Dahil di nila alam kung ano ang gagawin para mapigilan lang si Nicole.

"Oh anong nangyayari diyan sa buntis?" Tanong ng kadarating lang na si Raya kasama si Kaithleen at Yuri.

Agad namang lumingon si NJ.

"Tita! Gusto niya daw pumunta ng school!" Paliwanag nito.

Napatingin si Raya kay Nicole.

"Nics naman! Pinapairal mo na naman yang katigasan ng ulo mo!" Sabi nito saka naglakad papalapit dio.

"Gusto ko ngang pumunta! At okay lang ako! Bakit ba ang kukulit niyo?!" Nanggigil na sagot ni Nicole sabay halukipkip na umupo sa sofa.

Matamang tinitigan ni Raya ang kaibigan.

"Nics? Don't tell me--" di niya itinuloy ang gustong sabihin,  sa halip nilingon niya ang dalawa Kaithleen at Yuri. Tumango ang mga ito na parang sinasabi na tama ang iniisip niya.

Napangiti nalang si Raya saka binalingan naman si Jeadan.

Allea Kixzie: The Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon