HERSHEY'S POV
Sinalubong ako ni Mommy sa airport. Tuwang tuwa siya ng makita ako. Ang tagal din naming di nagkita. Lagi lang kaming nag-uusap sa skype. Walang palya iyon. Magagalit siya kapag nakalimot ako. Kami na nga lang dalawa tapos magkakalimutan pa.Hindi naman tama yun di ba?
"Ay, Hershey...." Sigaw ni Mommy. Grabe, may pag-iyak si Mother. Ayyyy! na-miss talaga niya ako. Drama na ito. Heavy drama...
"Mommy, nandito na po ako. Huwag na po kayong umiyak."
"Anak, na-miss kita. Grabe!"
"Waaahhhhhh!"
Sakay kami ng kotse ni Mommy. Siya na ang nag-drive pauwi.
"You look so happy"
"I am so excited for tomorrow"
"So, ready for the job?"
"Yes... I'll meet Asia there."
"Si Fantasia?"
"Opo..."
Nakatulog ako sa pagod layo ng biyahe.
Sa Guadalupe kami dumaan papunta ng Pembo, Makati. Isang lumang up and down single detach na bahay ang iniwan sa amin ni Lola Blossom. Iyon ang bahay kung saan ako lumaki at nagkaisip kasama ang maraming masasaya at malulungkot na alaala kasama sina Lola at Daddy. Lahat ng iyon ay nagbalik sa aking alaala. Hindi ko ipinahalata kay Mommy na nalungkot din akong bigla.
At last, I am home.
I was able to see my mother.
Now, we're together.
Hindi na kami magkakahiwalay.
Dito na ako maghahanap ng trabaho.
Mahirap mapalayo sa kanya.
Pumasok ako sa aking kuwarto. Wala itong ipinagbago. Kung ano ang ayos nito nung bata ako, naghigh school at kolehiyo, iyon pa rin. Tulad pa rin ng dati. Humiga ako at nagpahinga saglit. Nakakapagod ang sobrang traffic. Saglit lang sana pero humaba ang biyahe namin dahil na rin sa bumper to bumper na sitwasyon ng mga sasakyan.
"Hershey, bangon. Kain ka muna. Kung gusto mong matulog , pagkatapos mo munang kumain ng hapunan. Halika, sabay tayong kumain"
Bumangon naman ako kahit na antok na antok pa ako. Nagutom nga ako kasi panay lang ang subo ko at hindi ako nakausap ni Mommy. Masaya siya dahil sa tagal ng panahon, ngayon lang kami ulit nagkasabay kumain.
"Grabe, na-miss ko po ang pagkain natin dito"
"Alam ko... Kain ng kain. Ngayon lang ako gaganahang kumain..."
Sa loob ng halos anim na taon, nagkalayo kami ni Mommy. Mas madalas wala siyang kasamang kumain kaya wala nga naman siyang ganang kumain. Habang nag-aaral, hindi ako umuwi. Mahal ang pamasahe. Ipinapadala ko na lang sa kanya ang airfare allowance ko para may pera pa siya. Ngayon, hindi na iyon mangyayari dahil hindi na kami muling magkakahiwalay ng ganoon katagal.
Humiga akong muli sa aking kama. Napangiti ako. Sa wakas, makakapagtrabaho na rin ako. Makikita ko pa araw-araw si Rodney. Napagod ang buo kong katawan kaya kailangan kong matulog ng maaga.
Tomorrow is another day.
And I will see Rodney.
Kahit ganoon, si Rodney pa rin ang gusto kong makita. Titingnan ko kung nakalimutan ko na ba talaga siya. Kung hindi, pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya lalo pa't may asawa na siya.
Hay, kung kailan naman nahanap ko na yung ideal guy ko... nasilat pa ng iba.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...