LAST CARD

816 13 0
                                    

HERSHEY'S POV


Pinauwi ko ng maaga si Zac. Alam kong napagod siya . Hindi na siya nakatanggi. Pinagtaxi ko na lang siya para mas madali. Samantala, naunang umuwi si Dion. Malaya akong nakapasok ng opisina ni Rodney. Inikot ko ang tingin sa loob ng opisina. Noon ko lang nakita ang kuwadro ng larawang iyon sa pader. Katulad ng larawang iginuhit ko noong bata ako.



Ipinatong ko doon ang puting sobre na naglalaman ng sulat ko.



Isang resignation letter.



Hindi ko alam na nandoon pa si Rodney. Bumalik pala ang binata sa opisina.



"Ano na naman yan?" Tumalikod ako at hindi ko siya tiningnan.

"E di basahin mo" Pabalang kong sagot. Narinig kong pinunit ni Rodney ang papel.

"Huling beses mo nang magpapatong ng basura sa lamesa ko. Kung may sasabihin ka, sabihin mo ng diretso sa akin. "

"Huli na talaga yan, Sir. I resign"

"Maaga kang pumasok. Kahit isama mo pa ang bisita mong Briton. Madami tayong trabaho. Hindi ito ang panahon para sa pagsisintemyiento mo para mag-resign" Inayos ni Rodney ang kanyang mesa at naghahanda na ring umalis.

"I said I resign" Hindi ako umalis sa harap ng lamesa niya.

"Nasaan na pala yung template design na ipinapagawa ko sa'yo?"

"Huwag mo akong utusan na parang dito pa rin ako nagtatrabaho"

"Nasaan na?"

"Ask your new Assistant Creative Director to do it for you"



Tinalikuran ko siya. Hindi ako kailanman natakot sa kanya at kahit sigawan niya ako, hinding hindi ako matatakot sa kanya.



"You can't do this to me. You signed a contract"

"Then I'll pay the damages if you want"

"Dahil ba sa hindi mo ako maging boyfriend? Kaya ka nagkakaganyan?"

"Excuse me. Who do you think you are?"

"Gusto mo ba ng additional bonus...."

"Hindi ako mukhang pera..."

"Oh come on... Aminin mo na. Lalo kang nabaliw ng makita mo si Dion. "

"What? Hindi ka kaguwapuhan... Ambabaw naman ng dahilan ko kung para dun lang aalis na ako" Pero iyon nga ang totoo.

"Then, don't resign. Continue working with DreamWorkX. Balita ko nga kay Papa, talagang gusto mong magtrabaho dito noong una pa lang kasi nandito pala ang high school crush mo. Si Rodney Alphonz Parker... " Naging malamyos ang tinig ng kanyang boses. Parang nagdadrama at nagmamakaawa na huwag akong umalis.



Lalo akong nainsulto.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon