BLOSSOM'S POV
Si Hershey ang aking kauna-unahang apo .
Mabait , maalalahanin siyang bata at higit sa lahat, punum-puno ng imahinasyon ang kanyang murang isipan. Bata pa lang si Hershey, nakita ko na ang angking talento ng kanyang mga daliri. Kung titingnan mo ang pader ng aming bahay, makikita mo ang bakas ng ebidensyang iniiwan niya.
Syiempre, wala pang computer noon kaya sa dingding nang aming bahay siya gumuguhit. Punum-puno ng sari-saring guhit ang aming pader.
"Lola, look..." Sabay ngiti pa ni Hershey.
Kitang kita ang gilagid nito mula sa sira niyang ngipin sa harap. Naka-ponytail pa ang buhok nito. Tsinita ang kangyang mga mata. Morena ang kutis at alunan ang buhok.
Sa sobrang hiya ng kanyang mama at papa, halos paluin nila si Hershey ngunit wala ring magawa ang mag-asawa. Kuskos dito, kuskos doon ang kanilang ginawa para lang tanggalin ang marka ng krayola at lapis sa dingding sa loob at labas ng kuwarto pati sa sala, sa kusina at sa garahe. Hiyang hiya sila dahil noong mga panahong iyon ay nakikitira pa lang ang sina Cielo at Polo sa amin.
Maagang nag-asawa ang aking anak na si Polo. Parehong Fine Arts students sila ni Cielo ng hindi inaasahan ang kanyang pagbubuntis. Para naman matulungan sila habang nagpapatuloy ng pag-aaral ay nanatili sila sa aming poder. Mainam naman at nalibang ako sa pag-aalaga ng bata.
Tuwang tuwa akong pagmasdan ang bagong disenyo sa loob ng kuwarto ng aking apo. Walang iba kundi ang mga kakaibang guhit nito. Oo, kakaiba ang kanyang mga guhit para sa kanyang murang edad. Anggaling niyang gumawa ng kuwento kumbakit niya iginuhit ang mga larawang iyon. Maganda at makulay ang buong larawan.
"Ikaw talagang bata ka..."
"Mama, gusto ko pong makalabas ng universe. Gusto ko pong matulog na napalilibutan ng maraming –maraming stars"
"Sa tingin ko, lalaki itong si Hershey na napalilibutan ng maraming lalaki" Prediction yun ni Lola.
"Inay naman..."
"Aba , malay mo naman at maging artista ang apo ko at palibutan siya ng maraming manliligaw dahil maganda naman siya"
"Ayoko po ng ganyan..."
"Siya na ang may sabi..."
Iyon ang ayaw ni Cielo.
Kapag nagsasalita ako, nagkakatotoo talaga.
Para daw akong fortune teller.
Mas matindi pa sa mga manghuhula sa Quiapo.
Hindi ko din alam.
Hindi ko alam kung tsamba.
Pero lahat ay tumatama talaga.
Nahulaan kung ikakasal ng wala sa panahon ang aking pamangkin.
Sabi ko, balang-araw ay mangingibang bansa si Hershey .
Nahulaan kong may masamang mangyayari kay Polo.
Alam ko ring malubha ang aking sakit at susunod ako kay Polo.
Dahil doon lalong natakot si Cielo.
Kaya ayaw na ayaw niyang nagsasalita ako.
Hindi ako maaaring magkamali sa nakikita kong kinabukasan ni Hershey.
Pero lahat naman ng iyon ay puwede pa ring magbago.
Sino ba naman ako?
Ang Diyos pa rin ang nakakaalam ng magiging buhay ni Hershey sa hinaharap.
Sa mga panahong hindi ko na sila makikita at masusubaybayan.
Sa panahong nasa itaas na ako at tatanglawan ko na lang silang mag-ina kasama ni Polo.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...