MOVE ON, RODNEY

953 16 0
                                    

RODNEY'S POV


Pinauwi ako ni Mama sa bahay para naman may kasabay daw akong kumain ng hapunan. Madalas maglambing si Mama, lagi niya akong pinauuwi ngayon sa bahay. Nami-miss daw niya ako. Pero ang totoo, wala lang siguro doon si Kuya Jasper. Gusto lang niyang iwasan namin ang sakitin sa tuwing nagpapang-abot kami sa bahay.


Saglit lang sana ako pero hindi ako nakatakas kay Mama habang kumakain kami.


"Rodney, ano bang balak mo? Hindi ka na bata, Iho?"

"Mama, kalabaw lang po ang tumatanda... Ano po bang inaalala ninyo?"

"Iho, kailan mo ba kami bibigyan ng apo?"


Bigla akong nawalang ng gana sa narinig k okay Mama. Naibaba ko ang kutsara't tinidor na hawak ko. Napatitig ako sa kanya. Seryoso siya sa kanyang tanong. Matagal ko nang hindi narinig ang ganitong mga usapan habang kumakain kami. Marahil, iniwasan din niya ng matagal na panahon pero hindi naman talaga maiiwasan yun.


"Mama, pasensiya na po..." napayuko na lang ako saka tahimik na ngumuya.

"Bakit ayaw mong subukan, Iho? Wala ka na bang balak mag-asawa? Marami namang babae dyan... Gusto mo bang i-blind date kita sa mga anak ng amiga ko?"

"Mama, pasensiya na po. Masyado po akong busy..."

"Yun na nga eh... Kailan mo maiisip na mag-asawa kong palagi kang bisi-bisihan sa trabaho mo" Bisi-bisihan? Sinasadya ko bang magpaka-bisi para lang... Hay, akala yata ni Mama, madali ang pinagdadaaanan ko. Hindi ganun kadaling lumimot.



RODNEY'S FLASHBACK



Magkababata kami ni Lunar Dominguez. Matalik na magkaibigan ang aming pamilya kaya masayang masaya sila ng magpropose ako sa kanya ng kasal pagkatapos naming magtapos sa kolehiyo. Akala ko katuparan na iyon ng aming mga pangarap pero hindi pala. Perfect lahat. Umayon lahat sa plano namin pero hindi pala. Hindi niya sinipot ang kasal namin...sumama siya sa ibang lalaki. Natakot daw siya na matulad daw ang anak namin sa pagiging special child ko.


"I am sorry, Rodney."

"I told you that it is still a gift to be a special child... to be a gifted child"

"Hindi ko maatim na maging special ang anak ko ng ibang bata. Hinding hindi ko matatanggap ang anak na special. "

"Ano ka ba? Hindi naman ito sakit..."

"Sorry , Rodney..."

"Akala ko ba buntis ka na kaya tayo magpapakasal..."

"Oo, pero hindi ko kayang panindigan ang pagiging ina nang batang isisilang ko kapag naging special child siya"

"Anong klaseng pag-iisip mayroon ka? Anong ginawa mo?" Hawak ko ang magkabilang braso ni Lunar habang niyuyugyog ko siya.

"Ano ba ang nararapat sa mga batang tulad nila?"

"What? You aborted our child?"

"Exactly... Rodney, dahil kung hindi ka naglihim sa akin sa kalagayan mo, hindi rin siguro ako magpapagamit sa'yo. You're the one who betrayed my trust. I hate you for being so selfish..."

SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon