HERSHEY'S POV
Nilubos namin ni Kris ang mga araw sa L.A. Nanuod kami ng sine at nag-stay sa labas at nag-enjoy sa malamig na klima ng lugar. Saka ako inihatid ni Kris sa kuwarto ko. Pinapasok ko muna siya kasi medyo natatakot ako sa ganun kalaking kuwarto na ako lang mag-isa.
Muli kaming nanahimik na dalawa sa loob.
"Hershey, wala ba talaga akong pag-asa?"
"Kris, ayan ka na naman e"
"Sabi mo, masaya naman akong kasama... Wala ba akong puwang sa puso mo"
"Ayokong maging unfair sa'yo. Ayokong iwasan ka ng walang dahilan pero kung ipagpipilitan mo ang gusto mo. Sa tingin ko makabubuting mag-iwasan na lang tayong dalawa"
"Hindi ka pa ba handa?"
Ayokong sagutin ang tanong niya. Handang handa na akong magkaroon ng boyfriend pero si Rodney nga ang gusto ko.
"Itulog mo na lang yan..." Itinulak niya ako palabas ng pinto. Sinunggaban niya ako ng halik pero naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko pero hindi ko pinahintulutan.
"Goodnight na..."
"Goodnight"
Isinara kong mabuti ang pinto. Kinabahan ako kay Kris.
Kinabukasan, hindi ko kinayang bumangon. Mataas ang lagnat ko. Hinang hina ako at nanginginig ang aking mga kalamnan. Naririnig kong may kumakatok pero hindi ko kayang bumangon. Nakita kong may incoming call ako pero nahulog ang cellphone ko sa sahig ng tinangka ko itong sagutin.
Pagkatapos noon ay biglang tumahimik.
Hinintay nila ako sa loob na mismo ng conference area pero nagtaka din si Rodney kumbakit masyado na akong late.
"Kris, tinawagan mo ba si Hershey?"
"Yes, Sir kaya lang ring lang ng ring ang cellphone niya"
Tatayo sana si Kris pero pinigilan siya ni Rodney.
"Ako na lang. Stay there..."
Binalikan niya ako sa Hotel. Bahagya siyang kinabahan dahil hindi ako sumasagot sa loob. Mukhang hindi naman ako maririnig kahit anong sigaw ang gawin ko. Nagmadali siyang tumungo sa Front Desk at nakiusap na buksan ang kuwarto ko. Mula sa kanila main server, alam ng technician kung anong password ng unit na iyon tuwing may emergency tulad nito. Tinawagan na ni Rodney si Kris habang papasok na rin siya sa loob ng kuwarto ko.
Malinis naman ang sala. Pagpasok niya sa loob, nilapitan niya ako. Nakita niyang namumula ang aking pisngi at at bigla akong humatsing ng humatsing. Kinuha niya sa carpet ang cellphone ko.
"Angtaas ng lagnat mo..." Sinalat niya ang aking noo. Boses lang niya ang nakikilala ko. Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata sa sobrang sakit ng ulo ko.
"Sir, pasensiya na. Masama po talaga ang pakiramdam ko" Hindi niya ako pinansin. Nakiusap siya ng magpadala ng doktor na tsi-check up sa akin.
"Ano ba kasing pinaggagawa ninyo?" Nadatnan ni Kris na sinisermunan pa ako ni Sir sa kabila nang hindi maganda ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...