3RD PERSON'S POV
Buong maghapong wala sa opisina si Rodney. Tinawagan niya si Krystal upang tanungin ang sitwasyon sa DreamWorkX. Masaya siya sa pagpunta nina Mr. and Mrs. Carlos. Hindi lang niya nagustuhan ang sumbong ni Krystal tungkol sa ginawa ni Hershey.
Pagdating ni Rodney sa opisina ay nagpatawag siya ng emergency meeting. Kinatkatan niya ng sermon sa harap ng ibang empleyado si Hershey. Hindi na iyon bago sa dalaga. Halata namang pinagdidiskitahan niya si Hershey.
"Hershey, saan ka ba nagpupunta at pinaghintay mo sina Mr and Mrs. Carlos?"
"Sir, hindi ko po alam na pupunta sila dito?"
"Kahit hindi mo alam, you should be working inside your cubicle. Malinaw naman yan sa lahat di ba?"
"YES , SIR" Sagot ng lahat.
"Kung ayaw mo na dito sa DreamWorkX, magresign ka na ulit. Tutal yan ugali mo naman yun di ba?"
"Kung yun po ang gusto ninyo Sir. I'll give you my resignation."
"BULLSHIT! HOW MANY TIMES DO I TELL YOU NOT TO DARE ME?"
"BULLSHIT KA RIN! Alamin mo muna kung kumbakit ako wala sa cubicle ko ng oras na dumating sina Mr and Mrs. Carlos. Kung sinabihan ako ng magaling mong OIC, I won't leave my cubicle"
"You show no respect Ms. Hershey Romualdez..."
"It's because you don't show any respect either. Gusto mo akong pahiyain sa harap ng mga katrabaho ko. Masaya ka na? I am doing my work, as far as I know. "
Tinalikuran ni Hershey si Rodney. Lumabas ito ng Conference Hall. Hinabol siya ni Rodney at niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry. Please, nabigla lang ako" Nagulat si Hershey sa inasal ni Rodney. Hindi niya akalaing sasabihan siya ni Rodney ng ganun. Nakita niya ang takot na iyon sa mga mata ng binata. Pero balewala iyon kay Hershey. Pumasok siya sa cubicle niya at ginawa ang kanyang trabaho.
Bandang tanghali ng dumating si Lunar. May dala itong pagkain kay Rodney.
"Rodney...."
"Huh, Lunar.... Kumusta ang tulog mo?"
"Okay lang ako... Let's eat. Nagluto ako ng paborito mong pagkain" Inilapag niya ang pagkain sa maliit na lamesita. Hinila si Rodney upang tumayo at harapin ang pagkain.
"You don't have to do this. Sanay naman akong kumain ng pagkain sa kantin"
"Just happy to serve you"
"Bakit SM ka ba?"
"Joke yun! Ikaw ha, marunong ka nang mag-joke"
Sinubuan ni Lunar si Rodney just like to good old days pero hindi iyon nagustuhan ng binata. Kinuha niya ang kutsara at siya na ang kumaing mag-isa. Niyaya niya si Lunar at sabay na silang kumain. Nadatnan naman ni Krystal ang dalawa na mukhang sweet na sweet habang kumakain.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...