REJECTION RESULTS

791 14 0
                                    

HERSHEY'S POV


Then, as expected...

The result of this rejection...


Kinabukasan, late na akong nagising. Mataas na ang sikat ng araw nang maalimpungatan ako. Bumangon ako at dahan-dahan pang kumilos na parang hindi ko na inisip na kakailanganin ako ni Rodney sa opisina.


Malamang , sa oras na ito ay umuusok ang ilong niya sa galit at labas ang kanyang litid sa pagsigaw kay Fantasia. Naging shock absorber na tuloy ang kaibigan ko . Pinagbubuntunan din siya ng galit ni Rodney kapag ako ang hinahanap.


Unti-unting nawalan ako ng gana sa aking trabaho. Nali-late akong pumasok at wala ako sa sarili.Nagawa kong umabsent kaya lalo siyang nanggalaiti sa galit.


As usual, nasa opisina na naman niya ako ng oras na iyon. Busy ang lahat sa cubicle nila. Sana lang, naka-earphones silang lahat para hindi nila marinig ang sermon sa akin ni Rodney. Ang aking masugid na flowerboys, nasa labas at nagsisimula na sa kanilang trabaho. Si Seiji, nasa studio at si Lucas, kasama ni Kai sa KCi Clothing para kunan ang kanilang mga modelo sa location outside Manila. Napapapikit si Sulli sa kanyang mga naririnig na pagbato ni Rodney ng kung anu-ano sa pader. Kung dart board lang ako, kanina pa talaga akong bull's eye.


"Mahigpit kong bilin sa inyo... Sa lahat, na ayokong nali-late dahil madi-delay din ang trabaho natin lalo na kung ganitong marami tayong deadline"


Nakayuko lang ako tulad ng dati. Oo, sinasadya ko. Kinalimutan ko ang ilan sa mga responsibilidad ko. Kitang-kita sa mga disenyo ko ang lungkot na nararamdaman ko. Naranasan kong ipabago sa akin ang disenyong ginawa ko ng dalawang beses.


"Baguhin mo yan... Hindi magugustuhan yan ng kliyente natin. Matapos nila tayong purihin. Matapos nilang bumalik dito dahil nagustuhan nila ang gawa natin, tapos ganito ang gagawin mo. Dahil sa kalokohan mo, maapektuhan ang trabaho mo" He's voice is on top of his lungs. Grrrrrr! Kuwago ka! Nagtitimpi lang ako sa'yo.


Ipahiya mo pa ako, kung dyan ka masaya.


Na-late na ako sa pag-uwi... Nang gabing iyon habang wala na silang lahat sa opisina... Nagmukmok ako sa aking sariling cubicle. Si Kris ang nasa linya ng telepono. Hindi ako makapagsalita dahil parang may bara sa lalamunan ko.


"Bakit ka umiiyak?"

"Malungkot lang ako..."

"Gusto mo bang pag-usapan natin?"

"Nahihiya ako sayo..."

"I can't be a lover but a friend atleast." Lalong bumuhos ang iyak ko at napahagulgol na ako. Napakabait talaga ni Kris. Susunduin daw niya ako.


Isinubsob ko ang aking mukha at nagdrama. Wala na akong ibang maisip para mapansin niya. Iyon lang naman ang mahalaga para sa akin pero hindi niya iyon nagustuhan kaya ni-reject na niya ako.


Kailangan ko nang magdesisyon kung kalilimutan ko siya o hindi?


Lahat daw ay nasa huli ang pagsisisi. Pero hindi pa ako nagsisisi ng lagay na ito . Sa kabila ng kahihiyang inabot ko. Push pa rin... May pag-asa pa rin. matigas man daw ang bato, nagka-crack din sa pagdating ng panahon. Ay! as if darating ang panahong iyon.


Paglabas ko ng building, nakita kong naghihintay na si Kris sa akin. Napatakbo ako sa kanya. Hindi niya iyon inaasahan sa akin kaya sinalubong niya ako with open arms.


"Halika, yayakapin kita para gumaan ang pakiramdam mo. Umiyak ka sa balikat ko hangga't gusto mo..." Pakiramdam ko, iyon ang gustong sabihin ni Kris ng mga oras na iyon. Nasanay na akong yumakap sa matipuno niyang katawan. Pagkaamoy ko ng pabango niya, walang tigil na ang hatsing ko kaya bigla siyang natawa.


"Allergic ka ba sa pabango?" Tanong niya. Tumango ako at bigla akong natawa.

"Hayan, mas maganda ka tuwing nakatawa ka. Huwag mo nang sayangin ang luha mo. Tahan na... Tama na yan"


Dinig niya ang hikbi ko. Tulo ng tulo ang luha ko. Nasa parking area kami at nag-usap ni Kris . Sa kanya ko naihinga ang lahat ng sama ng loob ko. Umiyak ako sa balikat niya. Niyakap niya ako na parang....Kuya.


"Kris..."

"Hmm, bakit? "

"Angsakit! " Hindi na ako nahiya pero ngumawa talaga ako. Tinanggap na niya ang katotohanang si Rodney ang mahal ko kaya palagi siyang nasa tabi ko. Alam daw niya ang ugali ni Rodney. Mabait naman daw talaga ito kaya lang dahil sa mga pinagdaanan niya, nagbago din ang ugali niya.

"Tapos na ba ang iyak?..." Tumango ako pero namumugto ang mga mata ko.

"Salamat kasi palagi kang nandyan"

"Ano bang ginagawa ng kuya?" Narinig ko ang buntung hininga niya at bigla akong natawa sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.


Madaling araw na akong bumaba sa kotse ni Kris habang nasa tapat lang kami ng bahay. Hahalikan sana niya ako pero tumutol ako.


Nakatulog ako ng maayos. Gumaan ang pakiramdam ko matapos kaming mag-usap ni Kris. Kumain ako ng marami dahil madami akong gagawin sa DreamWorkX.



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon