HERSHEY'S POV
Masaya akong nagkuwento kay Mommy tungkol sa unang araw ko sa trabaho. Sinabi ko na mukhang magugustuhan ko naman sa DreamWorkX... Binanggit ko kay Mommy na hindi pa ako nagpasalamat kay Atty. Parker.
"Tamang –tama, birthday ko sa darating na linggo. Baka puwede mo siyang imbitahan para naman makapagpasalamat na rin ako"
"Mommy, para pong nakakahiya..."
"Hay ano bang nakakahiya? magpapasalamat nga rin ako eh"
"Sige po... Susubukan ko po silang imbitahin pero huwag po kayong masyadong umasa dahil baka busy din sila"
"Okay lang yun"
SKYCRAPER TOWER
Sa opisina.... habang humahanap ako ng tamang pagkakataon, ini-enjoy ko ang pagiging single. Hindi ko mararanasan ang mga reklamo ni Fantasia tungkol sa boyfriend niya. Oo, simula nang sagutin niya si Kai, wala na silang ginawa kundi galit –bati. May ilang beses ko nang narinig ang mga simpleng reklamo ni Fantasia. Ayaw daw ni Kai na masyado siyang nagdamit ng seksi. Ayaw niya na laging late umuwi ang dalaga lalo pa't hindi niya naihahatid si friendship kasi nga bawal pa rin hanggang ngayon.
Lalong malaki ang pagtatampo ni Kai dahil walang lakas ng loob si Fantasia na ipagtapat sa magulang ang totoong estado ng kanilang relasyon.
Tumunog ang kanta ni Beyonce . Tumayo ako at nilapitan si Fantasia. Ginaya ang paseksing steps ng singer.
"Friend, ano ka ba? Kailan ka pa natutong maging daring?"
"Fantasia, puwede na ba akong maging seductress ng boss mo?" Bulong ko sa kanya. Humagalpak ng tawa si Asia. Hindi niya akalaing sa katanghaliang tapat ay para akong hostess na nang-aakit sa harap niya.
" Stop it, Hershey. Baka ka makita ng mga boys"
"Baliw! Nagpa-pratice lang ako" Isinampa ko ang aking kanang paa sa swivel chair at kunwari ay inilislis ang aking pants pataas. Ibinaba ko ang aking kuwelyo at saka ko siya tiningnan ng malagkit...
"Nakakainis ka! Stop doing that... mahiya ka nga.."
"Fantasia, what do you think? " Nasa ganung ayos ako ng biglang dumungaw si Rodney...
"Ano bang pinaggagagawa ninyong dalawa? Asia, ikaw! kanina pa kitang tinatawag... Hindi mo ba ako naririnig"
"Ha a e, sorry po Sir."
"See me in my office..."
"Opo, nandyan na po..."
"Ikaw, Hershey. Tapos na ba yung mga bagong concept para sa bagong design na pinagagawa ng KCi Clothing."
"Dadalhin ko na lang po sa office ninyo , Sir" At dahan-dahan kong itinaas ang kuwelyo ng aking polo-Shirt.
"Shit! Nakakahiya naman. Naabutan pa kami ni Sir... Bad trip" Napakamot ako sa ulo ko. Gusto kong iumpog ang ulo ko sa katangahang ginawa ko.
"Anong ibinubulung-bulong mo?"
"Wala po, Sir" nakayuko ako at napasimangot na parang bata. Ipinaghahagis ko ang ilang gamit ko sa ibabaw ng lamesa.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
Storie d'amoreHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...