FANTASIA'S INQUIRY

704 12 0
                                    

FANTASIA'S POV



nagkaroon kami ng pagkakataon ni Fantasia na mag-usap. Hinayaan siya ni Kai na sumama sa akin habang nagpapakuha ng picture sa malalaking Bangui Windmills. Magkahawak kami ng kamay at lumayo sa mga kasamahan namin. Huminto kami at muling humarap sa dagat habang pasimpleng nagkukuwentuhan.

Matagal- tagal din kaming di nag-uusap ng seryoso dahil busy sa opisina. Nagkukuwentuhan man kami, saglit lang. Hindi na rin niya magawang pumunta sa bahay. Hindi na rin kami makalabas para mag-malling kasama nina Sulli at Yoona. Minsan sumasabit din sa lakad namin si Kai at Bae.

"Masyadong obvious kayo ni Sir ha!"

"Who's obvious? Ako?"

"Kayong dalawa..."

"Siya lang no..."

"Ano na bang estado ni Sir? Kayo na ba?"

"KAMI! Nagpapatawa ka ba? " Pero hindi ko alam kumbakit ako biglang napaiyak sa sinabi niya. Tumatawa pa rin ako pero umaagos ang luha ko.

"Hershey...Bakit?"

"Hindi ko alam kung paano sasabihin, Fantasia. Pasensiya ka na. Sorry..."

"May problema ba?"

"Hindi ko siya kayang kalimutan kahit anong gawin ko. Hanggang kailan ako magkakaila..."

"Hindi ba puwedeng iba na lang?"

"Hindi na puwede, Fantasia..."

"Bakit?"

"Malalaman mo din pero hindi ko kayang sabihin ngayon."

Lalo akong nag-alala sa sinabi ni Hershey. Mukhang seryoso ang problema niya kay Rodney. Hindi niya sinabi pero mukhang malalim ang kanyang pinanghuhugutan at mas seryoso kaysa dati.

Pero ang totoo, iba ang sinasabi niya kaysa sa mga nakikita ko. Masyado talagang malapit si Sir ngayon sa kanya. Inaalalayan siya pagbaba ng bus, isinasabay siya sa pagkain at sunud ng sunod sa kanya si Boss. nakikita ko nga na lumalayo si Hershey, itinataboy niya si Sir pero kapag nagkahulihan at wala siyang ginagawa para silang nagkakaroon ng komprontasyon. Sinundo siya ni Sir sa bahay para lang makasama namin sa outing at magkatabi sila sa buong biyahe. Nakita kong niyakap siya ni Sir habang natutulog siya.

Hindi kaya in-love na si Sir Rodney kay Hershey? Si Hershey kaya? Oo, in-love pa rin siya kay Rodney pero nakikita ko na mas matindi ang pinagdadaanan niya ngayon. Umiwas na siya. Kinakalimutan na rin kung anuman ang nararamdaman niya pero mabigat sa kalooban niya ang kanyang ginagawa kaya siya napaiyak.

Nakikihalo pa si Krystal na halatang halata na patay na patay kay Sir. Dedma naman siya pero hindi pa rin siya naggi-give up.

K��lfbN




SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon