KRYSTAL'S POV
Isang araw paggising ko, nakita ko ang unti-unting pagbabago nina Rodney at Hershey. Tahimik lang si Hershey at si Rodney ang mas halatang nagpapakita ng pag-aalala sa kanya. Yung mga dating hindi niya ginagawa ay nagagawa na niya ngayon. Medyo hindi na siya palaging sumisigaw.
Tatahi-tahimik si Hershey pero lalong dumidikit sa kanya si Rodney. Hindi ko alam kung paano ko mauunahan si Herhsey. Hindi ko alam kung paano ko sila mapaglalayo.
Bakit ganun? Nakukuha pa rin niya ang atensyon ni Rodney.
Makagagawa rin ako ng paraan.
Sinilip ko silang dalawa sa bandang harap. Confirm nga. Mukhang gusto na ni Rodney si Hershey. Tulog na si Hershey pero kinuha niya ito at inihilig pa sa dibdib niya. Pinayakap pa niya. Parang gusto kong maghuramentado ng mga oras na iyon. Tapos ang katabi ko pa ay itong si Bae. Hay, nakakainis talaga!
Nakatulugan ko na ang pang-iispeya ko at ang masaklap, nakayakap ako kay Bae. Si Bae naman, nakasubsob ang nguso sa pisngi ko. Naloko na! Mukhang nananaginip kaming dalawa.
"EWWWW! " Sabi ni Bae sabay pahid ng nguso.
"Ano ba?" Sigaw ko sabay pahid sa pisngi ko.
"Lumayo-layo ka nga sa akin, Bading"
"Ikaw, ang aga-aga...Tutuluyan talaga kita !" Pagbabanta niya sa akin.
"Hoy huwag mo akong takutin... Akala mo, hindi kita magugustuhan. Wala akong balak magkaboyfriend ng bakla"
"Hoy inggiterang palaka, lalo namang ayoko ng girlfriend na tsimosa... Katulad mo . Asyumera akala mo naman maganda. Sama ng ugali mo"
"Abah, kung magsalita ka. Bakla ka talaga! Bakla!"
"Bakla pala ha!"
Nagalit yata si Bae. Bigla na lang niya akong sinunggaban. Ni walang mumog, inilapat niya ang kanyang labi sa labi ko. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko. Idiniin niya ang nguso niya sa labi ko. Hinalikan niya ako. pareho kaming napapikit. Ang ikinagulat ko pa inilabas niya ang kanyang dila sa loob kaya kinagat ko iyon at napasigaw siya sa aray na ikinagulat din ng lahat.
"Hoy, kayo nga...."
"Ano yan?"
"Hay, ang aga-aga... Dito pa kayo nagdemo ng halikan..."
"Ano? Lalaki na ba?"
"UY, Bae tinitigasan ka rin pala sa babae ha!"
Hagalpakan sa tawa ang lahat at napaiyak ako sa sobrang hiya. Napaupo ako at napayuko sa kinauupuan ko. Gusto kong matunaw na parang yelo. Hindi ko alam na ganito ang gagawin ni Bae.
"O ano, iinisin mo pa ako" Sabi niya. Pero tuluyan akong umiyak.
"Siraulo kang bakla ka. WAHHHHHHHH!" Hindi ko man lang ma-imagine na magkaka-first kiss ako sa isang bakla. Sinabunutan ko talaga siya.
"Aray ko, Krystal. Angsakit sa anit ng sabunot MOOOOOO!" Nagsisigaw sa sakit si Bae.
"Sorry...." Kasalanan ko rin naman eh...
"Sorry din... Nabigla lang ako" Bulong ni Bae.
Buong maghapon kong ininda ang nangyari sa amin ni Bae. Si Bae naman parang nakakapanibago. Pasulyap-sulyap sa akin ang bakla. Kapag kinakantyawan siya ng mga katrabaho namin, naghihiyawan pa sila na para bang nakaisa si Bae. Lalo akong naiinis sa kanya. Pakiramdam ko, pinagkukuwentuhan nila ang first kiss ni Bae.
GRRRRRRRR!
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...