WORRIED BFF

729 16 0
                                    

FANTASIA'S POV


Tingnan mo itong si Hershey, nabuking na't lahat. Nasermunan na rin pero parang balewala sa kanya. Pinagsabihan ko na rin siya pero hindi daw niya susukuan si Rodney. Grabe ka-pursigido ang kaibigan ko.


Lately nga nakausap ko si Kris. Nagtanong lang naman ako tungkol sa trip nila sa L.A. pero umiwas siyang pag-usapan si Hershey.


"May nangyari ba?"

"Wala.."

"Alam mo na..."

"Oo... Si Rodney pala ang type niya"

"Hindi ko din alam dyan sa kaibigan ko. The more na pinagsasabihan mo at pinagbabawalan mo, lalao siyang nagsusumiksik kay Rodney. Tsk! Tsk! Tsk!"

"Tell me, Kris. Bakit ba ganyan si Sir?"

"Hindi mo kakayanin ang sakit kapag nalaman mo , Fantasia kaya mabuti pang huwag mo na lang ding alamin..."

"Talaga..."

"Naiintindihan ko kumbakit siya ganyan. Kaya lang hindi ko nagugustuhan ang pagtrato niya kay Hershey. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kaibigan mo"

"Kaya nga kahit noong una pa lang eh, boto na ako sayo. Saludo ako sa ipinapakita mong pagmamahal. Kaya lang, sayang... Sayang na sayang talaga"



HERSHEY'S POV


Okay, fine. Hindi ko mahagilap ang salitang sasabihin ko. Na-caught in the act ako. Na-off-guard... Hindi ko napansin na pati yung mga iniingat kong print out na matagal kong inaral eh nakitan iya, So what?


Attracting men?


Bakit kailangang siya pa? o sa kanya pa? Madami namang iba diyan. Madaling maagaw ang pansin kahit wala akong gawin. Maa-attract sila sa akin ng di ko pinaghihirapang magpapansin.


"Para sabihin ko sa'yo hindi ako madadala sa mga pagpapa-cute o pagpapapansin na tulad ng isang teenager. You are here for a serious business. Not a place for you to hunt boyfriends. Not for a boss like me"


Hindi pa rin ako tumigil.


Ang kapeng nasa ibaba ng mesa niya, itinapon lang niya sa lababo dahil alam niyang galing sa akin. Ang spaghetti na dati niyang kinakain, ipinamimigay niya this time.


Binago na niya ang kanyang pabango, yung tipong unlimited edition at hindi ko makikita on-line or kung mayroon man ay magdadalawang isip akong bilhin sa sobrang mahal at hindi na praktikal bilhin.


Naging sarcastic siyang magbigay ng comment sa ayos ko , maging sa kung paano ako manamit.


Anong nangyari sa SEDUCING an Innocent Guy Trick ko?


I gave up. Hindi pala iyon ganoon kadali. Hindi effective sa taong tulad niya. Hindi effective sa isang owl na tulad niya.



Pero hanggang salita lang ako.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon