RODNEY'S POV
Naramdaman ko na lang na niyuyugyog ako ni Kris. Nandoon sina Kai, Sugar , Chandy, Lucas at Tao.
"Boss, labas naman tayo... masyado nang nakaka-stress ang trabaho. Bar hopping naman tayo mamayang gabi. Sagot ko!" Yaya ni Kris.
"Bakit? May okasyon ba?" Tanong ko.
"Ikaw naman, matagal na natin itong ginagawa. Hindi naman tayo lumalabas dahil may okasyon. pamparelax lang"
"Sa condo ko na lang. Ubusin natin yung bote ng alak na inumpisahan kong inumin kagabi."
"Kaya ka pala high blood dahil may hang-over ka"
"Medyo..." nagkatawanan ang mga binata.
Maaga kaming umalis sa opisina ng araw na iyon. Pinasunod ko ang buong tropa. Sikreto lang iyon dahil once in a blue moon lang iyong mangyari. Mukhang lahat ay may kanya-kanyang pinagdadaanan ng araw na iyon kaya nagkayayaan ng inuman. Niyaya ko na lang sila sa condo tulad ng dati na naming ginagawa.
"Sa susunod , Sir, isama naman natin yung mga babae. Parang company outing..." Suhestiyon ni Lei.
"Oo nga naman Sir. Hindi pa po natin yun nasusubukan..." Sabi naman ni Chandy.
"Lugi naman kami kung wala kaming kapartner..." Sagot naman ni Lucas.
"Si Kai, kay Fantasia... Si Kris kay Hershey... tapos si Leona kay Seiji... Eh si Sulli kay Chen..."
"Paano na kami? Wala kaming partner"
"Bakit ba ninyo iniisip yan? Eh si Sir nga di nag-aalalala kung may kapartner siya... "Sabay akbay ni Kris. Malakas talaga itong mang-asar...
Habang nagkakainuman sa sala... Nanunuod ng telebisyon ang mga binata. Tuwang tuwa silang pinapanuod ang Chipmunks... Para silang mga teenagers na nagkayayaang mag-inuman. Just like the good old days.
Lahat sila ay galing sa iisang school noong high school kaya lahat sila ay tahimik ng malaman nilang si Hershey ay empleyado na rin ng DreamWorkX. Alam nilang lahat ang kompetisyong namagitan kina Hershey at Rodney.
Habang nasa kusina para magluto ng pulutan....
"Kumusta na Rodney?" Tanong ni Kris sabay akbay sa akin.
"Mabuti naman... Ikaw? Kumusta kayo ni Hershey?"
"Huh! In fairness, updated ka sa lovelife ko"
"Mabuti naman kami... Wish mo lang sagutin na niya ako... Nasa getting to know stage pa lang kami"
"That's good for a start."
"Ikaw? Kailan mo ba balak?"
"Ang alin?"
"Matagal na yun? Hindi mo pa rin ba nakakalimutan si ..."
"Huwag na natin siyang banggitin. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naaalala ko ang babaeng iyon"
"Rodney... Pare, hindi makabubuti sa iyo ang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Puwede mo namang tanggapin ang nangyari at patawarin mo na siya. Malay mo, masaya naman siya sa pinili niyang desisyon at ikaw na lang ang hindi maka-move on sa mga nangyari"
"Siguro nga Pare... Minsan kasi, madali lang para sa inyo na sabihin ang magmove-on kahit mahirap mag-move on..." Natawa na lang si Kris. May point naman ang sinabi ko.
"Uy, dito na kayo magkuwentuhan..." Sabi ni Tao.
Nakiupo na rin ako sa sala at kumuha ng isang bote ng SMLights.
"Rodney, mukhang lagi kang iritable..."
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos?"
"O baka naman inis ka pa rin kay Hershey? Empleyado mo na siya kaya sinisigaw-sigawan mo na siya"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Baka kasi, hindi ka maka-move on. Aminin mo, mas dumami ang kliyente natin ngayon"
"Pati ang Printing Division, hindi makapaniwala sa nakikita nilang output ng mga templates natin ngayon."
"Sabi nga ni Mr. Carlos, punum-puno nga daw ng buhay yung tarpaulin na pinagawa niya. Tinanong pa ako kung sino may gawa nun. Hindi ko siya nasagot kasi hindi ko alam kung sino gumawa nun"
"Kahit noong high school naman si Hershey, malawak talaga ang imagination niya..."
"Lalo siyang gumaling kasi nakapag-aral na sa London"
Nagkatinginan na lang kami ni Kris . Iba-iba rin pala sila ng obserbasyon sa mga nangyayari sa loob ng departamento ko. Hindi na lang nagsalita ako nagsalita dahil minsan kapag sinusuri ko ang aking sarili, may bahid ng katotohanan ang mga sinabi nila kahit hindi ko sabihin o kahit hindi ko aminin ngayon.
Wala pang alas dose ay pinauwi ko na sila.
Binilinan ko na huwag mali-late bukas kung ayaw niyang masermunan ko sila ng agang-aga.
Kilala na nila si Rodney kaya alam na nila ang gagawin.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...