3RD PERSON'S POV
Pagpasok niya sa opisina, ibinalibag niya ang pinto sa galit. Nagulat ang lahat at napatakip na lang ng kanilang mga tenga. Nagtaka kumbakit nagkaganun ang kanilang boss. Sa unang pagkakataon ay tinakpan niya ng blinds ang kanyang bintanang yari sa salamin. Ini-lock niya ang kanyang pinto. Napasuntok siya sa pader sa sobrang inis sa sarili. Nagdugo ang kamao nito pero wala siyang pakialam. Kumuha siya ng baso at saka nagsalin ng alak. Straight niya itong nilagok. Hindi siya maramdaman ang init na gumuhit sa kanyang lalamunan. Muli siyang nagsalin ng alak at nilagok ito na parang tubig lang ang kanyang iniinom.
"AAAAAHHHHHHHH!"
Nagtaka ang lahat kumbakit nagkaganun si Rodney. Ni minsan ay hindi nila ito nakitang nagwala ng ganun. Hindi naman iyon pinansin ni Fantasia. Alam niyang hindi naabutan ni Rodney si Hershey. Si Hershey ang dahilan kumbakit unti-unting nagbago si Rodney.
Dinig nila ang tunog ng nabasag na baso. Nataranta na ang lahat kaya nakiusap kay Kris na kunin ang duplicate key at buksan na ito.
Lahat ay nag-alala sa nangyayari sa loob. pagbukas ni Kris, nagkalat ang bubog sa loob ng opisina habang nakahilata si Rodney sa long sofa. Kita nila ang duguang kamay nito. Nagpatawag kaagad sila ng nurse sa clinic ng building na iyon. Walang malay ang binata.
"Kris, anong nangyari kay Sir?"
"Hayaan ninyo siya. Lasing lang."
"Mamaya, mahihmasmasan din siya. Ipalinis na lang ninyo ang opisina . labas na kayo at nagkalat ang bubog."
Nagulat sila ng biglang sumungaw ang pamilyar na mukha sa pinto...
"Hello everybody! I'm back" As if naman excited silang makita ang babae. Si Krystal ang masayang bumati sa mga dating kasamahan.
"Hey, hindi ba kayo masaya dahil bumalik na ako" Hindi pa rin umimik ang lahat at isa-isa silang lumabas ng kuwarto.
"Anong nangyari dito? Rodney! Rodney!" Sabay lapit sa binata. Concerned na concerned ang mukha ng dalaga.
"Lasing lang si Sir"
"Bakit sila nagpakalasing ng ganya? Hindi naman siya naglalasing di ba? Rodney! Rodney" Niyugyog pa niya ang binata. Naalimpungatan naman si Rodney at inakala na si Hershey ang nakita.
"Hershey, you're back" Biglang niyakap ni Rodney ang dalaga. Mahigpit ang pagkakayakap niya saka akma sanang hahalikan niya ito ng muli siyang nawalan ng malay. nagkatinginan ang magkaka-opisina. Ngayon alam na nila ang dahilan kumbakit nagwala ang binata.
"Who's Hershey? Sir Rodney, I'm back... Sir!..." Niyugyog uli niya ang boss ngunit napahimbing na ito ng tulog.
Iniangat ni Fantasia ang blinds ng kuwarto at nilinis na rin ng janitor ang loob ng opisina. Niluwagan ni Kris ang polo ng binata maging ang necktie nito.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
عاطفيةHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...