GOING OUT

834 13 0
                                    

3RD PERSON'S POV



Bandang hapon nila tinungo ang Hotel Casa Minor na nasa Kalye Crisologo. Ang sikat na kalye sa Vigan. Red bricks ang buong kalye at na-preserve nito ang kagandahan ng buong lugar. Mga bahay-Kastila ang buong village kaya tinawag din itong Heritage Village. Hindi puwedeng dumaan ang mga kalesa dito. Ang mga batong tinutuntungan nila ay mga orihinal na batong galing pa ng Espanya.



Maging ang mga food chain at ilang restaurant o kainan dito ay umayon din sa istilo ng lumang bahay –Kastila. paglabas mo sa kanilang plaza, nagpapalabas sila ng Dancing Light sa gitna kung saan mayroong fountain dito. Marami ang nanunuod dito tuwing gabi lalong lalo na ang mga turista na nasa loob ng isang pribadong kuwarto sa mismong tapat ng fountain kaya mas makikita nilang mabuti at maa-appreciate ang palabas. Sinaliwan pa ito ng tugtuging sinusundan ng iba't ibang kulay ng tubig kasabay ng mga ilaw.



Inihatid ni Rodney si Hershey sa kuwarto ng mga babae. Samantala, may sariling kuwarto si Rodney. At bawat anim na lalaki ay magkakasama sa iisang kuwarto.



"Susunduin kita... Mamasyal tayo sa plaza mamaya"

"Gusto kong matulog. "

"Basta pupuntahan kita."



Nakikinig lang si Krystal. Hindi siya pinansin ni Hershey. Ibinagsak ng dalaga ng kanyang pagod na katawan sa kama.



"Hers..."

"Hmmm, bakit?"

"Hindi ka ba maliligo para mahimasmasan ka?"

"Gusto kong matulog, Asia..."

"Susunduin ka daw ni Boss mamaya."

"Hayaan mo siya. Ayokong lumabas"

"Ako na lang ang sasama sa kanya kung ayaw mo" Sabi ni Krystal

"Sige po, Ma'am... No problem... Gisingin na lang ninyo ako kapag kakain na..."



Hindi namalayan ni Hershey na lahat pala ay nakababa na. Hindi kasi siya magising kahit anong gising sa kanya. Inakyat siya ni Rodney. Kinuha kay Fantasia ang susi.



"Hershey, bangon na. kain na muna" Dahan-dahang nagmulat ng mata ang dalaga at nakita si Rodney sa loob ng kuwarto.

"Sir, pasensiya na. napagod po talaga ako sa biyahe."

"Halika na. Kumakain na sila sa baba"



Nagmadali sila sa dining area. Naikuha na ni Rodney ng pagkain ang dalaga kaya diretso na ito sa kanilang lamesa. Naiintriga ang lahat sa kabaitan ni Rodney kay Hershey.



"Hihintayin kita dito sa baba mamaya... Manuod tayo ng Dancing Ligths sa plaza."

SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon