BURST OUT

723 15 0
                                    

HERSHEY'S POV


Wala namang tao ang gustong mapahiya di ba? Nalaman ni Rodney ang totoo pero minaliit niya ang kakayahan kong magmahal. Hindi ba niya alam na first time kong ma-in-love tapos heto, disaster pa. Harap-harapan niyang sinabi sa aking hindi niya ako gusto, cheap ako at kung anu-ano pa.


"Kris, nasaan ka na? Durug na durog ang puso ko ngayon..."


Umakyat ako sa roof top sa katanghaliang tapat.


"Masama bang magmahal ? Cheap ba yung ginawa ko? AHHHHHHHHH" Pinagtatadyakan ko ang pader. Pinaghahampas ang pinto . Ibinuhos ko ang galit ko doon. Sumigaw ako ng sumigaw para mawala ang sama ng loob. Umiyak ako. Ngumawa na parang bata. Ngumuyngoy ako at dinaig ko ang mga crying ladies ng mga intsik sa lamay.


I already blocked all those sites. Nilinis ko ang history ng aking computer para di ko na maalala na minsan, I dared myself to seduce an innocent guy.


But not as innocent as I thought. Sa edad niyang iyon, inosente pa ba yun? He is a total jerk, geek, nerd, cold, bastard, asshole, idiot, stupid, loser and moron.


He is such a gay, manhid, bakla, bato, bayot....KUWAGO KA TALAGA! Akala mo kung sino kang pogi , hayop ka talaga! Walang hiya! Siraulo!



AHHHHHHH!


Kahit sa bahay, hindi ako makausap ng matinno ni Mommy. Kinabog niya ng malakas ang naka-lock kong pinto. Tahol ng tahol si Hiker kasi sa labas ko siya pinatulog.


"Hershey, kain na tayo..."

"AYOKO PO...."

"Tigilan mo na yan...."

"AYOKO NGA PO EH! "

"Huwag mo akong hintaying pumasok, Hershey. Ilang araw ka nang hindi kumakain ng hapunan? Huwag mo ngang iyakan ang lalaki na yan . Ipagpalit mo siya sa isang daang kuwago. Hindi siya kaguwapuhan. Si Kris na lang ang sagutin mo"

"MOMMY NAMAN EH!"

"Ako ba talaga, ginagalit mo? Sinisigawan mo ako! Lumabas ka dyan"



Hindi na ako umimik. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at doon nagsisigaw.



"IWAN MO NA NINYO AKO, MOMMY, HIKER. MAKISAMA NAMAN KAYO SA KALUNGKUTAN KO"


Hindi ako tinawagan ni Kris ng gabing iyon. Siguro nakarating na rin sa kanya ang balita. Malamang , dahil mag-best friend sila eh. Maitatago ba iyon ni Rodney.


Hindi ako makatulog nang maayos. Parang umaalingawngaw sa tenga ko ang mga sinabi niya. Nag-self-pity naman ako syiempre. Kung kailan namang nasa tamang edad na ako para magka-boyfriend, saka pa ako tinanggihan ng ganito.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon