KRYSTAL'S POV
Absent lang ako ng isang araw , marami ng nangyari. Mayroon na yatang na bagong empleyado para dating posisyon ni Hershey. Pagtingin ko sa JobFinder, wala na doon ang announcement ng DreamWorkX. Curious naman ako kung sino ang kapalit ni Hershey. I wasn't just surprised but really shocked to find out ... bumalik si Hershey.
Finally, makikilala ko na ang Hershey na dahilan ng pagwawala ni Rodney nang bumalik ako mula sa dalawang buwang leave.
Wala pa siya sa kanyang cubicle ng sumilip ako doon. Gusto ko naman talaga siyang makilala at kumbakit ganun na lang ang pagwawala ni Rodney. Hindi naman siya ganun sa kahit na sino sa amin lalo pa't empleyado lang niya kami.
What is so special with Hershey?
Pinakialaman ko ang file ni Hershey sa HR para lang makilala ko siya. Confidential ang ganung klaseng mga dokumento kaya maingat ako na hindi mabisto. Nakakahanga nga naman ang kanyang mga credentials. Galing pala siya ng London. At a very young age, naipasa niya ang kanyang Masteral in Graphics and Designs... Most of all, scholar siya ng DreamWorkX. Alam ko isa rin si Fantasia sa mga scholar ng DreamWorkX pero maaga siyang nagtrabaho sa kompanya. Si Hershey talaga ang nakakuha ng buong suporta ng DreamWorkX.
Why did she suddenly abandon her work?
Sa tingin ko... without a doubt, may kinalaman si Rodney. Sa ugali pa lang nito kumpara sa bagong bago at inexperienced at neophyte na katulad ni Hershey, maku-culture shock talaga ito sa ugali ni Rodney kaya ilang buwan pa lang... mukhang nag-AWOL na ng dalawang linggo.
Pero nakuha pa rin niya ang dati niyang posisyon. Ibig sabihin, malakas siya kay Rodney. Well then, I'll make her leave DreamWorkX for the second time and that will be the last. Sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik.
Nakita ko ang batambatang dalaga. Hangos pa ito sa opisina ni Rodney. Sumenyas kaagad ng tsupi si Rodney at hindi sumigaw.
"Hi, you are...."
"Hershey po... Hershey Maria Romualdez... " Iniabot niya ang kanyang kamay upang makipag-shake hands pero tinapig ko iyon. Nakahalukipkip ako at inirapan ko siya.
"Ahhh, so you are Hershey. Matunog ang pangalan mo ha! Close kayo" Sabay turo ko sa lalaki na nasa loob ng opisina. Nakapameywang ako para sindakin siya at ipaalam na hindi niya ako puwedeng kayan-kayanin sa department na iyon.
"Hindi po..."
"Let me clear this to you , Hershey. Para malaman mo, Rodney and I are the most Senior among all the officers here kaya bawal ang late at tamad dito. Ayokong aali-aligid ka kay Rodney, naiintindihan mo. Makita lang kitang mag-feeling close sa kanya, you'll regret why you came back to DreamWorkX" Banta ko sa kanya.
"Naiintindihan ko po?"
"Clear..."
"Cyrstal...." Hindi ko na-gets kumbakit niya sinabi yung pangalan ko. Pero pagtalikod ko, dun ko na-realized na crystal clear pala ang ibig niyang sabihin. Hindi ko nga pala naipakilala ang sarili ko dahil inuna kong sindakin siya.
Now, we'll see .... Hindi siya makakatakas sa paningin ko. Lahat ng kilos at galaw niya ay imo-monitor ko. Lalong ayaw na ayaw kong lapit siya ng lapit kay Rodney.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...