EPILOGUE

1.9K 26 6
                                    

RODNEY'S POV



Nagmistulang Baby Shower ang pagdalaw ng buong DreamWorkX kay Hershey. Nakita kong tuwang tuwa si Hershey. Isinama na rin nila si Krystal at doon nagkapatawaran ang dalawa. Inamin ni Bae na may relasyon na sila ni Krystal kaya sa tingin niya ay magbabago na ang kanyang girlfriend.



Hindi na pinalampas ni Kris ang pagkakataon para magpropose ng kasal kay Jessica. Tinanggap naman iyon ng dalaga. Sina Yoona at Tao, Chen at Sulli ay nananatiling "Getting To Know Stage" pa rin ang peg. Tamis-tamisan lang sila sa DreamWorkX.



The rest ng Flowerboys ay nananatiling single.



Nakakainip maghintay ng siyam na buwan pero saglit lang yun at nanganak si Hershey through normal delivery. Kambal ang anak namin, isang babae at isang lalaki. Si Shey at si Ponzi... Sila na ngayon ang mga batang patakbo-takbo sa buong opisina ng DreamWorkX.



Bumalik sa pagtatrabaho si Hershey kasama ng mga tsikiting namin. Wala ng sumisigaw sa DreamWorkX. Finally, natanggal ko rin ang ugaling yun. Lumago ang aming kompanya. Inspirasyon namin ang aming kambal.



Ganito pala ang pakiramdam ng pamilyadong tao. Sa kabila ng mga pagsubok sa relasyon namin ni Hershey, nagpapakatatag kami at umaasa palagi sa tulong ng Diyos.



Ikinasal kami ni Hershey ng magpitong taon na ang mga bata. Sila na rin ang ginawa naming flower girl at ring bearer kaya tuwang tuwa sila dahil naging bahagi sila ng espesyal na okasyon na iyon sa buhay namin ni Hershey bilang mag-asawa.


Kung gusto mong bigyan ng katuparan ang iyong pangarap... Anuman ang pangarap natin sa buhay... Sinasamahan iyon ng pagkilos....


Kaya....


Kumilos ka!


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon