HERSHEY'S POV
Wala pa siya sa opisina ng pumasok ako kinabukasan. Tahimik akong nagtrabaho sa cubicle ko. Matatambakan ako ng trabaho kapag umabsent ako kaya pinilit kong pumasok kahit masama ang pakiramdam ko. Nagulat ako ng pumasok siya sa cubicle ko. Iniabot sa akin ni Rodney ang bulaklak. Nakangiti siya sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi ko alam kung aabutin ko ang mga bulaklak o hindi kaya minabuti niyang ilapag na lang iyon sa mesa ko.
"Magaling ka na ba? Bakit ka pumasok kaagad?" Tanong niya sa akin. Malumanay ang boses niya ngayon. Mas lalo siyang nakaka-in-love kapag ganito ang tuno ng boses niya.
"Medyo masama pa po ang pakiramdam ko Sir pero susubukan ko pong tapusin yung...."
"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Kung hindi mo kaya, puwede ka nang umuwi"
"Okay lang po , Sir. Sige po, madami-dami pa po akong tatapusin. Salamat na lang." Salamat na lang sa bulaklak, iyon ang ibig kong sabihin. Pinipilit niya akong tingnan sa mata pero todo-iwas ako.
Dinig ko ang buntunghininga niya.
Tahimik ang opisina ngayon pero pagdating ni Krystal nangingibabaw ang boses niya ng isigaw niya ang pagbati niya ng Merry Christmas. Isa-isa niya kaming binigyan ng regalo. Nagpasalamat naman ako pero seryoso ako sa ginagawa ko kaya tinalikuran ko na sila habang nagkakagulo sa tapat pa ng cubicle ko.
"Rodney... Rodney, darling! here's my gift" Napabuntunghininga na lang ako sa narinig ko. KInalma ang kalooban ko. Hindi ko siya narinig na sumigaw kahit late si Krystal at namimigay ng regalo.
Pagdating ng tanghali, sumama ang pakiramdam ko. Tumaas ang lagnat ko kaya ako na mismo ang pumunta ng clinic pero nakasalubong ko si Krystal.
"Saan na naman ang gala mo, Hershey?"
"Sa clinic lang po..."
"Dalian mo at hinihintay yata ni Rodney yung templates mo"
"Yes, Maam" Ma'am na tuloy ang naitawag ko kay Krystal.
"Ikaw, Hershey. Tigilan mo ang tatamad-tamad dahil madami tayong deadlines ngayon"
"Saglit lang naman ako eh....Masama nga po ang pakiramdam ko..."
"Nagdadahilan ka pa!" Abah, may pagsigaw ang babaeng ito.
Hindi ko alam kumbakit siya palaging ganun sa akin. Parang si Rodney lang. Sabay tulak niya sa akin pero nawalan ako ng panimbang at bigla akong nahimatay. Saktong papadating si Rodney. Lumabas siya ng kanyang opisina.
Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. Nalaman ko na lang , nasa loob na ako ng clinic namin. Kami lang ni Rodney sa loob. Hawak niya ang kamay ko. Hinila ko kaagad iyon saka dali-dali tumayo.
"Dahan – dahan... Okay ka na ba?"
"Okay lang po ako, Sir. Tatapusin ko na po yung..."
"Hershey, puwede ba? Huminto ka nga muna. Ano ba? "
Tinalikuran ko na siya at nagmadali akong umalis ng clinic pero sinundan niya ako. Sabay kaming umakyat sa 10th floor. Nasa 8th floor ang clinic ng DreamWorkX.
Hindi ako umimik sa loob ng elevator. Dalawang palapag lang naman ang aakyatin pero kung alam ko lang na sasabay siya sa akin sa loob, saan eh naghagdan na lang ako. Dinig ko ang buntunghininga niya habang nakayuko siya. Magkalayo kami ng puwesto. Lumayo talaga ako.
"Halika, sabayan mo akong kumain" Pero hindi ako sumagot. Pagbukas ng 10th floor, lumabas na ako kahit hilahin pa niya ako. Nagmadali akong umupo sa working area ko. Mas nakukuryente ako ngayon kapag nasasaling niya ang balat ko.
Pero pansin ko na, masaya ang aura ng kanyang mukha kahit nag-aalala sa akin. Noon ko lang yun nakita sa kanya. Kinumusta ako nina Fantasia at Yoona sa cubicle ko. Si Sulli naman eh nagdala ng fruit juice. Sabi daw kasi ng nurse, may lagnat ako.
Lahat sila nag-alala sa akin, maliban kay Krystal. Mukhang lalo niya akong pinag-iinitan. Nakikita kasi niyang maamong pusa na si Rodney kapag ako ang kaharap.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
Lãng mạnHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...