THE CHALLENGE

1.4K 33 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Unang araw niya sa trabaho bilang Assistant Creative Director sa Dreamworks Company. Maliit na kompanya lang ito dati at muntik na ngang magsara. Pero ng ilipat ito sa pamamahala ni Rodney, unti-unti itong nakabangon.


Si Hershey Romualdez ay isang baguhang empleyado sa DreamWorks dahil na rin sa kanyang angking galing sa Graphics and Designs. Scholar siya ng kompanyang iyon kaya pinili niyang bumalik sa Pilipinas para magtrabaho dito.


Una sa lahat dahil na rin kay Rodney.


Pagpasok niya ng opisina, naka-red mini-dress siya pero flat rubber shoes para mas makakilos siyang mabuti kahit na busy sa opisina. Napasipol ang mga katrabaho niyang lalaki pero dedma sa lalaking dahilan kumbakit siya nagsuot ng ganun ng araw na iyon.


Naupo siya sa kanyang sariling swivel chair. Next to boss ang kanyang posisyon para sa isang baguhang empleyado. Bagama't may mga matagal nang empleyado sa kompanya, walang kumuwestiyon sa desisyon ni Rodney na iluklok siya sa kanyang kinatatayuan ngayon.


Bilang isang assistant Creative Director, hindi naman siya paupo-upo lang at uutos lang ng uutos. Sa trabaho niyang iyon, busy sila sa pagko-conceptualized ng mga disenyo ng kung anu-anong klaseng tarpaulin. Hindi basta-basta ang paggawa nito. Hindi naman ito cut-copy-paste lang ng kung anu-anong litrato tapos isasalang sa kung saang printing press. Inaaprubahan pa ang mga lay-outs nito. Ipapabago kung hindi magugustuhan. Kung hindi ka mag-iingat sa mga larawang gagamitin mo, baka mademanda ka pa for plagiarism o paggamit ng larawang hindi sa iyo.


Iba si Hershey. Bihasa siya dito dahil ito talaga ang pangarap niya. Nakilala siya dahil sa kanyang malawak na imahinasyon. Magaling ang kanyang kamay sa pagguhit kaya hindi ito mahirap sa kanya. Kaya lang ang problema, hindi pa niya kayang ihiwalay ang isyu ng puso at ang mundo ng totoong trabaho.


Lalo na kapag kaharap niya si Rodney. Nalingunan niya ang loob ng opisina ni Rodney. Abala ito sa kanyang mesa.


"Ah basta, siya ang type ko. It doesn't matter if i have a weird taste about men... Para sa akin, he's the perfect guy for me. Innocent and may pagka-hard-to-get ang dating. Antipatiko pero soft-hearted on the other side..."


FANTASIA- HERSHEY'S CONVERSATION


"Hershey..." Kinalabit siya ni Fantasia at nagulat.

"Nag-iimagine ka na naman" Sabi ng kaibigan.

"Nag-iisip lang..."

"Wow! Sexy natin ah!" Bati ni Fantasia.

"Wish ko lang mapansin ako nung isa dyan" Parinig niya. Sabay tawa ng malakas at nakipag-apir pa sa kaibigan.

"Kaya ka nagsuot ng ganyan, dahil lang sa kanya? Wow! Tingnan mo nga naman... "

"Bakit? "

"Wala naman... Para kasing hindi tama. I'm telling you friend. Just a piece of advice kasi sa tingin ko , wala ka talaga sa sarili mo. Tumingin ka ba sa salamin kaninang umaga. "

"Wait! Wala ka bang bilib sa akin... Makukuha ko rin ang gusto ko"

"Tingnan mo to. Ka-babae mong tao kung umasta ka... Yung totoo, aminin mo nga. Trabaho ba ang hanap mo o gulo?"

"Trabaho"

"Sinong tinatrabaho mo?"

"Yun o... Yung lalaking mas malamig pa sa bato o sabihin na nating lalaking may pusong bato"

"Hay naku, humanap ka na lang ng iba kaysa inaaksaya mo ang panahon mo sa kanya. Tulad ni Kris, halata namang may gusto sa'yo. Si Chen at Sugar... sus! tingnan mong mabuti. Hindi ka ba marunong tumingin ng guwapo at gentleman."

"Iba ang trip ko sa mga guys, Fantasia. Kung ako sa 'yo... suporta lang, friend"

"Paano mo yun gagawin?"

"Just wait ang see, my friend..."

"Nagsalita ang expert. Ang galing mo din no..." Pumasok sa sariling cubicle niya ang babaeng kausap at tumutok sa monitor ng computer. Diretso din siya sa sarili niyang cubicle si Hershey.

Ang totoo, hindi rin niya alam kung paano uumpisahan at ano ang gagawin. Anong muwang niya sa pagkakaroon ng boyfriend? Anong gagawin niya para maakit ang isang lalaking tulad niya... walang iba kundi ang kanyang boss?

Ang trabaho ko bilang Assistant Creative Director isang challenge dahil kay Rodney .

Pero bilang Assistant and the nature of the work is always easy to me.

Higit sa lahat, si Rodney mismong ay isang malaking challenge.



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon