SILENCE OF THE LAMB

809 13 0
                                    

HERSHEY'S POV



Ligtas naman akong nakauwi sa bahay. Nagising si Mommy sa pagdating ko at binati niya ako ng Merry Christmas. Mas merry ang Christmas ni Rodney dahil nakuha niya ako. Hindi na ako nakakain. Umakyat na lang ako sa kuwarto at nagpahinga. Napagod ako. Paghiga ko, biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari. Di ko alam kung nananaginip ako. Pumasok ako ng banyo. Pinihit ko ang heater para maligamgam na tubig ang lumabas dito. Hinayaan kong tumulo ang tubig sa ulunan ko para mahimasmasan ako. Pagyuko ko, nakita ko na nagkulay pula ang tubig. Pagkapa ko sa pagitan ng hita ko, may konting patak ng ng sariwang dugo doon. Lalo akong napaiyak. Hindi nga ako nananaginip. Totoo ngang may nangyari sa amin ni Rodney. May mga maliliit na kulay pulang kagat sa dibdib ko lalo na yung malapit sa nipples ko. Mabigat ang pakiramdam ko na para bang may mabigat na dumagan sa akin.



Ang mas ikinahihimutok ng kalooban ko ay hindi nga malinaw sa akin kung may gusto sa akin si Rodney para gawin ang bagay na ganun.



Ano pang magagawa ko? Nangyari na eh....



Hindi ko alam kung magbubunga ang nangyari sa amin sa unang pagkakataon.



Hindi ko na namalayang nakatulog ako ng mahimbing. Napagod talaga ako. Tanghali na nang magising ako. Bahagyang masakit ang ulo ko at may lagnat ako. Malamig ang simoy ng hangin sa labas. tahimik ang paligid at dinig ko ang pagaspas ng mga dahon sa puno sa labas ng bahay. Dinig ko ang tahol ni Hiker. Ibinaba na siya ni Mommy habang natutulog pa ako.



Pagtingin ko sa cellphone ko, may 20 miss calls na si Rodney. Inisa-isa kong binuksan ang inbox, puro mga pagbati galing sa mga katrabaho ko. Ganun din si Zac. Nag-reply naman ako para kumustahin din siya.



Wala namang pasok sa DreamWorkX kaya itinulog ko na lang. Pinatay ko ang cellphone ko para di ako maistorbo sa pamamahinga. Minsan lang mangyari iyon sa buong buhay ko.



"Hershey, bangon na"

"Mommy, masama po ang pakiramdam ko"

"Naku, stress na yan"



Sinalat niya ang noo ko at nag-alala ng malamang maysakit ako. Pinaiinom niya ako ng gamot ng may biglang magdingdong sa gate. Nagmadali siyang bumaba dahil wala naman kaming katulong. Humiga ulit ako at natulog. Kaiidlip ko lang ng pumasok si Mommy ulit sa kuwarto ko.



"Hershey, nandyan ang boss mo"

"Si Boss Rodney po? Sabihin na lang po ninyo na maysakit ako at gusto kong magpahinga."

"Kakausapin ka daw niya?" Umiling ako.



Ayoko siyang kausapin at hindi ako handang humarap sa kanya. Pinigilan ko ang luha ko. Ayokong maghinala si Mommy na may nangyari. Hindi naman niya iisiping ganun kalala ang nangyari kung sakali. Ang madalas ko lang namang ikuwento sa kanya ay yung palagi niya akong pinagagalitan at sinisigawan o ipinapahiya at iniinsulto.



Nanatili akong nakahiga at nagkunwaring ayaw ko lang talagang paistorbo. Dinig ko naman ang usapan nilang dalawa. Sumigaw siya mula sa sala at nagpaalam sa akin. Narinig ko rin ang pagsara ng gate at ang pagharurot ng kanyang kotse. Natulog na lang ako kasi masama talaga ang pakiramdam ko.



Hapon na ng bumaba ako ng kusina para kumain. Napansin ko ang tatlong basket na punum-puno ng prutas. Mga paborito kong sagada oranges at strawberries ang nasa gitna ng mesa.



"In fairness, bumalik dito ang boss mo at nagdala ng prutas para sayo" Sabi ni Mommy habang nasa likuran ko at kumukuha ako ng kanin. Ikinuha niya ako ng ulam.

"Huh! Galing po ba yan kay Sir Rodney..."

"OO... Nagulat nga ako eh. Mukhang alalang - alala ang boss mo sayo ng malaman niyang maysakit ka"

"Papasok ka ba bukas?"

"Opo, madami-dami pa po akong tinatapos na designs. Konti na lang po iyon. Kaya lang, malapit-lapit na rin po ang eleksyon ngayon kaya sunud-sunod ang pagawa ng tarpaulin ng mga politiko. Madali na lang naman pong ayusin yun"

"Magpahinga ka na lang ngayon para makapasok ka bukas. Kung hindi mo kaya, tawagan mo ang boss mo at magpaalam ka kaagad."



Kinagabihan, dinalaw ulit ako ni Rodney pero hindi pa rin ako nagpakita sa kanya. Hindi na daw ako ginising ni Mommy ng makita niya akong tulog. Sinabi niyang kung hindi ko daw kaya, okay lang kahit hindi na muna ako pumasok.



Napabuntunghiniga na lang ako. Hindi ko inaasahan ang lahat. Kahit iwasan ko siya ngayon, bukas walang mababago.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon