WONDERING WHY

786 19 0
                                    

HERSHEY'S POV



Hindi ko alam kumbakit ganun ang trato sa akin ni Kyrstal. Oo, sabi ni Fantasia, Krystal daw ang pangalan niya. Iba ang pakiramdam ko sa kanya kaya umiwas ako sa gulo. Kay Owl na nga lang masakit na ang ulo ko, sa kanya pa kaya na mukhang warfreak at palengkera ang bunganga. Parang primadonna na akala mo first lady ng DreamWorkX. Hinayaan ko na nga lang. Kay Rodney pa lang , nakakaabsorb na ako ng bad vibes, dagdagan pa niya.



No wonder, magkasundo sila. Baka nga close pa silang dalawa. Parehong-pareho ng ugali. Tsk! Tsk! Tsk!



"Huwag mo siyang pansinin , Hershey. Pasok dito sa kaliwang tenga, labas sa kanan ang anumang sabihin niya. Naku, super assuming ang babaeng yan at huwag na huwag mong papatulan. Talo ka sa kanya. Remember, hindi mo siya ka-level." Babala ni Fantasia sa akin. Which means mukha siyang atribida at maldita. Wala siyang gagawing mabuti kaya tama lang na sa loob ng cubicle na lang ako mag-stay.



Pagdating ng coffee break, palagi siyang nakatanaw sa cubicle ko. Daig pa niya ang human CCTV... Balak yatang tutukan ako ng kanyang mala- cat's eye na mga mata 24/7...Parang laser ang mata niya, lampas-lampasan ang tingin sa akin. Mind you, wala pa akong ginagawa nyan. Pumasok si Kris. Hinila niya ako palabas. Abah! nag-react ang lola mo. Napatayo ng kanyang upuan kahit busy sa kanyang ginagawa.



Narinig kong ipinatawag siya ni Rodney... Abah! tamis-tamisan ang peg ng bruha. Siya ang totoong may seductive moves kay Rodney. Kung kausapin niya si Rodney halos magkapalit sila ng mukha na parang balak niya itong halikan . Titig na titig siya. Oo, kitang kita ko, kakaiba ang mga titig niya. Titig na nakahuhubad at intimidating talaga. Natawa ako ng bigla itong pumuwesto sa likuran ni Rodney at halos idikdik ang malusog na dibdib nito sa likod ng binata. Yakkkkk! Kadiri... Push mo, Krystal. Ewwww ka talaga! Grabe! Kinilabutan ako sa nakita ko. Sa tingin ko, hindi ko yun kayang gawin.



Pasimpleng hahawak sa braso ni Rodney pero mukhang ibang klase ang kanyang hawak. Hawak na may malisya. Magpapacute pa...




Paglabas niya, binalingan niya ako. Tawag daw ako ni Rodney. Alam kong titingnan din niya ako sa loob ng opisina. Pero tulad ng dati, sa harap lang ng mesa ako laging pumupuwesto. May ipinakita sa akin si Rodney pero sa harap ako pumuwesto at hindi ako masyadong yumuko. Nakatingin lang si Rodney. Titig na titig ang kuwago. Dedma.



Si Krystal, nakahalukipkip na. Tumaas ang kilay ng lola mo na parang nalamangan. Wala naman akong ginagawa. Kung si Owl ang type niya, siya na. Kanyang kanya na si Rodney. Hindi ako makikipagkompetensiya sa kanya.



Pag-alis ng mga kausap ko sa cubicle, pasimple niya akong pinuntahan dun at nag-usisa ng kung anu-ano. Ewan ba? Saan ba patungo ang usapan namin?



"Type po ninyo si Sir Rodney, Ms. Krystal?"

"Huh! " Nagulat pa ang loka-loka. Iyon naman talaga ang gusto niyang marinig.

"Bagay po kayo... Maganda ang chemistry ninyong dalawa"

"Talaga!..."

"Opo... Angsweet ninyong tingnan" Saka ako tumalikod sa kanya. Now, I know... si Rodney ang kahinaan niya.




Walang appeal sa akin kahit dumating si Krystal. Hindi ako papatuol sa ka-cheapan niya. EWWWW!



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon