HERSHEY'S POV
Maaga akong nagising.... Maaga ring naghanda ng almusal si Mommy. Hotdog and pandesal ang inihanda niya with matching mushroom soup. Maramii akong nakain. Kailangan ko iyon para may energy ako sa interview.
Nagmaneho ako ng kotse sa kahabaan ng EDSA. Medyo nakakatakot dahil nag-uunahan ang mga sasakyan sa kitid ng kalsada. Mas malaki naman ang bus kumpara sa kotseng minamaneho ko. Abut-abot ang kaba ko kasi hindi rin ako sanay magmaneho dito sa atin. Sa ibang bansa, puwede na ako sa taxi o kaya maglakad . Puwede rin ng LRT or kaya sa subway. Kung hindi man ay sa cable car.
Hindi na uso ang palda or skirt tuwing nag-aaply. I have my best suit for my first job interview. At pinaghandaan ko iyon. And my exclusive resume is prepared. Hindi niya mamaliitin ang credentials ko.
Kahit confident ako sa pag-aaply, nandoon pa rin ang konting ng kaba. Dinadaga din ako pagkaminsan, hindi iyon maiiwasan.
Nag-alert ang aking Bluetooth earpiece. Pagpindot ko, narinig ko si Fantasia. Hihintayin daw niya ako sa lobby ng Skycraper Tower. Nang makita ko ang tower na sinasabi niya, idinaan ko ang kotse sa parking area para maiparada ang sasakyan ko doon.
SKYCRAPER TOWER
10AM
Sinalubong ako ni Fantasia. Nagsigawan kami sa corridor sa sobrang tuwa ng muli kaming magkita. Napalingon ang ilang mga empleyadong nagtatrabaho doon na papasok din ng kanilang mga opisina.
Walang humpay ang aming kumustahan kahit nasa loob kami ng elevator paakyat ng 10th floor. Alam kong pinakikinggan kami ng mga tao doon pero walang tigil ang bibig ni Fantasia. Napapatingin ako sa reaksyon ng mga tao kasi mukhang naiirita rin sila.
"Gumanda ka, Friend"
"Thanks, Fantasia. Mukhang hiyang ka sa trabaho dito ha! Nananaba kangmasyado"
Si Fantasia Romero ay aking bff. Mukha lang siya ni Moon Beum pero certified Pinay ang kaibigan ko. Hindi matatawaran ang pagsubok na pinagdaanan namin sa ibang bansa habang exchange students kami.
"Halika, doon na tayo sa loob. Kanina pang nasa opisina si Sir"
"Friendship, naji-jinglebells ako sa nerbyos"
Nag-cr muna kami at nag-retouch na rin ako ng konting make-up at lipstick.
"Kaya mo siya , Friend. I told you, huwag kang padadala sa mga maninindak niya"
"Your comprehensive resume?"
"Ready!"
"Your credentials?"
"Ready! Attached properly!"
"You?"
"Ready!"
"Yan ang friend ko! Ay naku, galingan mo para magkasama tayo sa trabaho. "
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...