RODNEY'S POV
And the sweet Hershey is back. No longer a teenager but a full-grown woman. Kaya lang, ganun pa rin siya at walang ipinagbago. Ang bukod tanging babaeng nakilala ko na flat chested at mabalakang. Perfect na sana ang kurbada pero hindi pinagkalooban ng malaking hinaharap.
Graduating ako ng Fourth year ng pumasok siya sa WestMinster High. Matalino kasi siya kaya nakapasok sa Scholarship Program. Nakaitim pa siya ng damit nung unang araw niya sa klase at mukhang nagluluksa pa. Bagama't malungkot, may ngiti pa rin siyang natitira sa labi. Madidinig mo pa rin naman ang kanyang tawa tuwing mapapadaan ako sa kantin kasama ng kanyang mga kaklase.
Slightly popular siya sa school during those days.
Tinagurian kasi siyang Goddess of Imagination... With her wit and intelligence, this left handed girl proved herself to have a very wild.... este wide imagination. Sikat siya sa mga Art Contest sa aming school. Kahit yung mga kaklase kong lalaki, hanga sa kakaibang galing niya sa pagguhit; mapa-poster at mural painting, hindi niya uurungan ang kahit na anong material ang gamitin niya madiskarte talaga.
Ang totoo, minsan na niya akong natalo sa contest. Hindi ko matanggap na ang isang babae pa ang tatalo sa akin. Simula noon, palagi kaming nagtatagisan ng galing sa pagpipinta until I aimed to be the school's representative for Division Art Contest. At doon, nasungkit ko ang puwesto sa pagkakapanalo sa isang match up na ginanap sa loob ng campus.
Masaya na sana ako... Oo, masayang masaya because the only reason why I did it is because I wanted to prove that Rodney Alfonz Parker is still in the lead. Hindi pa rin kumukupas ang galing ko.
Pero nagbago yun ng hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng ilang mga babae sa loob ng girl's cr.
"Kawawa naman si Hershey..."
"Sayang, hindi pa niya nasungkit yung puwesto..."
"Don't worry, Friend. Madami pang opportunity na dadating."
"Ayoko kasing dumating ang araw na hindi ako makapasok kasi wala na akong pamasahe at wala pa akong baon. Paano pa ako makakapag-college kung ....?"
Hindi na naituloy ng babae ang sasabihin niya. Humagulgol siya sa balikat ng kanyang kaibigan. Ang negra niyang kaibigan na si Fantasia. Para siyang sunog na coffebean at si Hershey, parang white chocolate... Hindi na talaga sila mapaghiwalay kahit noon pa man.
Malaki kasi ang premyo sa Division Art Contest.
Palihim kong tinanong kung ano ba ang estado ni Hershey sa buhay sa pamamagitan ng malalapit na guro na kakilala ko sa WM-High...Nakakakonsensiya naman. First year pa lang siya, pag-aaral sa kolehiyo na ang iniisip niya. Pursigido nga siyang makatapos ng pag-aaral. Ulila na kasi siya sa ama. Hindi pa sapat ang kita ng kanyang ina na isang baguhang arkitekto. Sa edad niyang 35, medyo mahihirapan siyang makahanap ng trabaho.
Mukhang pinag-iipunan na niya ang kanyang kolehiyo. May malaki ring pera ang kalakip ng pagkapanalo kong iyon. Lalo na kung makakaabot ka sa Division at Regional. Mas malaki ang oportunidad kung maipapadala ka pa sa ibang bansa.
Ah! iyon siguro ang malaki niyang pinanghinayangan.
Pero heto na siya... Afterall her sacrifices na mapalayo sa kanyang ina, ang bukod –tangi niyang kaagapay sa buhay... here she is, conquering the world of imagination sa aming DreamWorkX.
Yes, ang kompanya ni Papa ang nagpaaral sa kanya. I believe in her great potential. Malaki ang maitutulong niya sa kompanya kapag nagkataon. In no time, after I graduated in Harvard University si Hershey ay kasalukuyan ng exchange student sa isang sikat ng London School for Graphic Designs.
Bago pa siya makabalik at mapagtapos, naibigay na sa akin ni Papa ang pamamahala sa DreamWorkX. Dati iyong hawak ni Kuya Aaron, kaya lang muntik-muntikan na itong malugi dahil sa pagkakasino nito kaya napilitan si Papa na tanggalin si Kuya sa trabaho. Ito rin ang naging dahilan nang matagal na di namin pag-iimikang magkapatid. Dadalawa na nga lang kami, magiging mortal pa kaming magkaaway dahil lang sa pamamalakad ng negosyong ito.
Nawalan na kasi ng tiwala sa kanya si Papa. Kung hindi niya naagapan , maaaring naibenta na ang buong kompanya sa ibang tao na kasugal ni Kuya.
Formality na lang ang pagpapasa ni Hershey ng mga dokumento sa opisina. Sinabihan na ako ni Papa na darating siya. Gawin ko daw siyang Assistant Creative Director dahil mas maganda na partner kami. Pareho daw kami ng hilig at pihadong magkakasundo kami. Iyon ang akala niya. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Papa sa pagdating ni Hershey. Whatever it is, hindi ako interesado.
Making him my assistant is the biggest mistake I have made....
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...