3RD PERSON'S POV
Hindi iyon kaagad pinansin ni Hershey dahil nakatutok ang mga mata nito sa monitor habang nakapuwesto ang mga daliri nito sa keyboard. Nagtaka siya ngunit hindi na niya hinabol si Asia. Napansin niya ang card sa tabi ng kanyang monitor. Tiningnan niya ito.
"Akala ko ba may sasabihin ka sa akin..." Sigaw nito.
"Asia...." Bagkus kinuha ang card.
"WHAT?!"
Sa darating na Sabado na ang kasal nila ni Kai. Civil wedding at sa garden nila gaganapin. Napatakbo ang dalaga sa loob ng cubicle ni Fantasia at niyakap ang kaibigan.
"Congratulations, Friend!" Biglang umiyak si Asia.
"Hershey..."
"Bakit? Di ba dapat masaya ka? Kailan mo pa naipakilala si Kai kay Tita? " Umiling ang kaibigan at hindi niya iyon naintindihan.
"Buntis na ako, Hershey. Nagalit si Mama kasi ni hindi ko man lang daw naipakilala ng maayos si Kai tapos malalaman nilang buntis na ako. All the while daw, akala niya wala akong boyfriend."
"Anong sabi ni Kai?"
"Humarap naman siya kay Mama. Humingi din ako ng pasensiya. Ako lang naman daw ang hinihintay ni Kai."
"Dapat i-celebrate yan. Gift yan ni God sa inyong dalawa"
Naabutan ni Kai ang magkaibigan.
"Asia, makakasama sa bata ang ginagawa mo. Huwag ka nang umiyak" Niyakap niya ang babae.
"Kai... sigurado na ba tayo? Handa na ba tayo?"
"Nandyan na yan eh! Bakit? Nagbago ba ang isip mo? Ayaw mo na ba akong pakasalan ?" Si Kai pa ang nagtanong.
"Kai naman eh!"
"Ngayon mo sabihing baog ako" Nagkatawanan ang tatlo sa cubicle.
Nagulat na lang ang lahat ng sumigaw si Rodney kaya biglang napatakbo si Hershey sa labas.
"Teka, yung templates kanina pang hinihintay ni Sir, Rodney"
"Lagot!!!!!" Pananakot ng dalawa.
Sa loob ng opisina, kinatkatan na naman ng sermon ni Rodney si Hershey.
"Saan ka ba nagpupunta? Tapos na ba ang ipinagagawa ko?" Sabay abot ni Hershey ng kanyang mga templates.
"Dalhin mo na ito kay Yoona para maipadala sa Harper Music"
"Yes, Sir"
"Hershey, bumalik ka kaagad tapos kain na tayo"
"Bakit po? Dala ko po ba ang plato ninyo?
"Isa..."
"Kumain kang mag-isa mo. "
Lumabas kaagad si Hershey at nakasalubong si Bae.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...