KRIS ' POV
Hindi talaga umiinom si Rodney. Occassional drinker lang siya. Kung kailan lang may okasyon. Sa pagkakataong ito, nagpakalasing- lasing siya. Ayaw niyang paawat. Mas marami na siyang mainom kaysa sa mga kasamahan namin.
"Rodney, tama na!" Awat ni Kris.
"Gusto ko pang uminom... "
"Itulog mo na yan..." Sabi naman ni Tao.
"Pagpikit ko, si Hershey lang ang maaalala ko"
"Naloko na ..."
"Yan na nga ba ang ikinatatakot ko eh... Si Hershey pa rin ang dahilan ng lahat ng ito"
"Nasaan na ba si Hershey? Absent lang ba siya?" Tanong ni Chen.
"Nasa London na si Hershey. kasama ni Zac..." Sabi ni Kai.
"What?"
"OO, sabi ni Fantasia... Nasa airport si Hershey ng tumawag ito kay Fantasia. In fairness, nagpaalam naman sa kanyang bff. Nagulat siya ng malaman ni Sir tapos sinundan niya kaya lang na-trapik si Sir. Bumalik na lang dito kasi di na niya maaabutan si Hershey sa airport"
"Kaya siya nagwala sa opisina? " Sabi ni Sugar.
"Korekek! In –love na kasi, di pa niya aminin..." Sabi ni Bae.
"Di naman ganun kadaling pabalikin si Hershey"
"Anglayo ng London..."
Nagkatinginan ang lahat.
Alam nila ang ikinatatakot ni Rodney. Hindi iyon simpleng pag-iwas sa isang bagong relasyon. Takot na si Rodney na masaktan. Takot na siyang maulit ang nakaraan. Kung lalakasan niya ang kanyang loob... maaaring si Hershey ay iba sa lahat.
Pero gaano ba kami kasigurado...
Hangga't hindi sinusubukan ni Rodney, wala talagang mangyayari...
Ganito talaga ma-in-love si Rodney. Ito ang weakness niya.
Kinabukasan....
Hinanap ko kaagad si Jessica. Naabutan ko siya sa kanyang cubicle.
"Pasensiya ka na pala kahapon. Hindi na tayo nagkausap" Sabi ni Kris habang tinitingnan ang dalaga habang nag-aayos ito ng gamit.
"Okay lang... Di ko naman ini-expect na palagi mo akong ihahatid sa bahay"
"Not anymore... Now that you are my girlfriend..."
"Not because you kissed me, that makes you my boyfriend."
"Ha! Akala ko ba..."
"Ayokong maging panakip-butas mo, Kris. Alam kong malalim ang pinasamahan ninyo ni Hershey in the past. Hindi ko alam pero the way you talk about her... you seemed to have fallen in-love for her"
"Inaamin ko naman sayo di ba na na-in-love talaga ako sa kanya. Alam ko na may mahal na siyang iba. Hindi ko maamin kasi masakit pero heto ako, natagpuan kita at handa kong patunayan sayo na wala na si Hershey dito" Sabay turo sa dibdib niya.
"Ayokong pumasok sa isang relasyon na walang kasiguruhan. "
"Jessica naman..."
"Kris, I have to go... Hinihintay na ako sa ground floor. "
"Jessica..."
Akala ko, okay na kami. Napagkamalan pa tuloy akong manggagamit. Bakit naman niya iisiping ginagamit ko lang siya? Sobra naman... Kaibigan ko pa rin naman si Hershey kaya ako nag-aalala sa kanya. Kaibigan ko rin si Rodney kaya anong magagawa ko kundi tulungan silang dalawa. Mas confident magsabi ng problema sa akin si Hershey dahil kuya ang turing niya sa akin. Ito namang si Jessica...
Susuyuin ko na lang siya. Dating gawi....
Samantala, kanya-kanyang padala ng text messages ang mga Flowerboys kay Hershey. Hindi ko alam na kaya pala sila busy sa kati-text tuwing makikita ko sila, sa kantin , sa cr, sa cubicle nila o kaya sa studio... all this time si Hershey pala ang itini-text nila.
"Hershey, balik ka na..."
"Hindi mo ba kami nami-miss..."=(
"Hers, si Kuya Kris ito. Balik ka na... Promise, di na kita aawayin" =<
"Pleaseeeeeee....Parang awa mo na...."
"Lalong naging incredible hulk na si Sir"
"Kung alam mo lang, bumalik sa dating pagiging irritable ni Sir. Kawawa naman kami"
"Hindi mo na kami makikitang cute sa sobrang ta-cute namin kay Sir"
"Maaatim mo bang sigaw-sigawan kami ni Sir"
"Ganyan ka! Basta mo na lang kaming iniwan ng hindi ka nagpapaalam..."
"Alam na namin ang totoo... Si Sir pala ang crush mo"
"Hershey, pleaseeeee!"- Kai
"Hershey, pleaseeeee!"-Lei
"Hershey, pleaseeeee!"-Sugar
"Hershey, pleaseeeee!"-Seiji
"Hershey, pleaseeeee!"-Lucas
"Hershey, pleaseeeee!"-Tao
"Hershey, pleaseeeee!"-Chen
"Hershey, pleaseeeee!"-Kris
"Hershey, pleaseeeee!"-Sullivan
"Hershey, when you receive this message please think it all over..." =) Rodney
And the rest is history.....
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...