NEW RODNEY

1K 18 0
                                    

RODNEY'S POV



Magaan ang pakiramdam ko. Feel na feel ko ang pagiging daddy. Kahit naman sino siguro kapag nalaman nilang magiging tatay na sila sa unang pagkakataon, magiging proud sila sa mga pangyayari. Ganoon din ako.



Sa tapat ng Skycraper ako dumaan. Ipinalagay ko sa Valet ang aking kotse kaya ibinigay ko sa driver ang susi para siya na ang magdala nito doon. Binati ako ng guwardiya at napangiti ako sa kanya.



"Good morning Mr. Parker" Bati nito.

"Good morning..." Abut-tenga ang ngiti ko.

"Angganda po ng gising ninyo a" First time kong narinig ang boses niya. Ah! kasi naman ako yung tipo ng tao na hindi palabati. Ngayon lang siguro...



Pagpasok ko ng elevator, nakangiti sa akin ang operator nito.



"Kumusta po si Ma'am Hershey?"

"Okay na siya..."

"Masyado po kayong masaya Sir Rodney"

"Oo naman. Masaya talaga ako, magiging tatay na ako e"

"Congratulations po ha!"

"Thank you!" Sabay labas ng elevator.



Masaya akong pumasok sa loob ng aking opisina. Pasipol-sipol pa ako. Bago ako pumasok , lumingon ako at nakitang nakasungaw lahat ang mga ulo nila.Naninibago siguro sa akin. Natuwa na lang ako. kasunod ko si Fantasia.



"Good morning Sir." May dala siyang kape.

"Good morning Fantasia. Kumusta ang opisina? Upo ka" Naupo naman si Fantasia. Hindi na siya puwedeng nakatayo ng matagal dahil sa dinadala niya.

"Sir, okay naman po ang lahat. Medyo hinahanap lang ng mga kliyente si Ma'am Hershey. Niri-request nila kung puwede magpagawa ng design sa kanya"

"Ikansel mo muna yung mga request na yan kasi baka lalong makasama kay Hershey ang sobrang trabaho niya. Nasa First Trimester pa lang ng pagbubuntis si Hershey. "

"Sir, ibig sabihin... una pa pong nabuntis si Hershey kaysa sa akin" Gulat na gulat si Fantasia sa nalaman.

"Let's say, tama ka doon. Bakit?"

"Ambilis mo Sir"

"Teka , Fantasia... Ikaw ba nandito para magreport tungkol sa mga nangyari dito sa opisina o iimbestigahan mo ako... Alin sa dalawa?"

"Ha a e, Sir naman. Ito po yung kape ninyo."

"Sige, ilagay mo na dyan. Nagkape na ako eh"

"Gusto po ba ninyong mag-almusal. Magpapaorder ako sa kantin"

"Hindi na. Sabay kaming nag-almusal ni Hershey kanina kaya no worries"

"Talaga po!"

"Oo ... kasi doon na ako sa kanila nakatira. And I have the best morning ever with Hershey"

SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon