HERSHEY'S POV
Suddenly, weird things happened after I decided to give him up.
Civil ang pakikitungo ko sa kanya na parang wala na akong kilig na nararamdaman pa. I don't know why? Basta, STOP na ako sa pang-si-seduce sa kanya. I can't seduce him in anyway. Pakiramdam ko kasi kailangan ko siyang landiin kapag inakit ko talaga siya. At ano ba naman ang katawan ko? Not even a seductive body.... Oh My Gosh... Just by the thought of it... Ewwww!
Everything was back to normal like it was my first day of work. Feeling bagong salta lang.
Tulad ng dati, nagpapalipad-hangin pa rin si Chandy at Sullivan. Mapang-asar lang sila pero yun lang ang paraan para makalapit sa akin. Sina Sugar at Lei, mga materyosong tao. Afford bumili ng kung anu-anong bagay... bulaklak, chocolates and all sweets pati lahat ng ka-sweetan sa katawan, stuffed toy and little things na maisip nila. Hindi sila nauubusan ng pakulo kahit nagku-kompitensya sila.
Sina Lucas, Tao at Chen , walang ginawa kundi magpakitang gilas sa akin. Performance level palagi. sinasayawan ako, kinakantahan at dina-dramahan na para bang may audition palagi sa cubicle ko.
Sina Sullivan, Seiji at Kris ang seryoso kong manliligaw. Alternate ang dalaw nila sa bahay. Nag-usap-usap sila sa kani-kanilang schedule. Sa halip na magtalo, nagkasundo na lang silang tatlo. May taga-hatid ako, taga-sundo at alalay.
Wala akong tulak kabigin sa kanilang tatlo. Naging mabait silang lahat sa akin. Pero ni isa sa kanila ay walang nagtagumpay na pakiligin ako, maliban sa seryosong kuwago na palaging nasa opisina. Aburido at iritableng binata na walang ibang ginawa kundi magalit, sumigaw at magbunganga sa aming lahat. Hindi ako ligtas. Walang araw na hindi siya nagalit at hindi sumigaw.
Sa kasamaang palad, siya pala ang tipo kong lalaki.
HINDI NA NGAYON....
COFFEE BREAKS....
"Hershey, halika na! " Yaya ni Bae habang pumipilantik ang mga daliri nito.
"Huh! kanino galing to" Coffee from Strawbuck... ENJOY IT! Sabi ng note kaya kinuha ko na rin.
"Paano ka pa nakabili ng kape mo?"
"Di ko alam. Nakita ko lang dito sa ibabaw ng mesa ko. See , I have a name on it kaya kinuha ko na lang... Sayang, Strawbuck pa naman. And I love the flavor, Capuccino"
"Naku, mag-ingat ka at baka mamaya may gayuma yan"
"Alam mo kung totoo lang ang gayuma, uunahin ko yung masungit nating boss para hindi siya sigaw ng sigaw at palaging nakasimangot. Ibubudbod ko lahat para matanggal ang sumpa. Para kasi siyang may sapi." Lumabas na kami sa cubicle ko at pababa ng hagdan.
"Sinong may sapi? " Tanong ni Rodney. Nasa likod lang pala namin siya.
"Ikaw... Di mo alam" Diretsahan ko siyang sinagot.
"Ah, Sir Rodney joke lang ni Hershey yun... Ikaw talaga, Hershey... Halika na nga. Huwag po ninyong seryosohin ang sinabi niya... Hehehe..." Sabay bawi ni Bae. Hinila niya ako at dumiretso kami sa dati naming upuan sa kantin. Bakante naman iyon eh.
"Bakit totoo naman ah? Siya talaga ang CURSE..." Sabi ko pa.
Sumabay siya at nakiupo pa sa mesa namin. Tinitigan ko siya ng masama.
"Bakit ?" Tanong niya.
"Bakit ka nandito? Madami pang bakanteng upuan..." Saka ko inikot ang paningin ko sa paligid.
"Gusto ko dito e"
"Bakit? Ginagangster ka na naman ba ni Sir?" Tanong ni Kris habang papaupo ito .
"Lilipat na lang ako ng upuan... ENJOY!" Hinila ko si Bae habang dala niya ang tray ng lahat ng order namin.
"Hers...." Tawag ni Kris.
"Ayoko siyang kasama sa mesa..." Sigaw ko kaya napalingon lahat ang ibang empleyado ng DreamWorkX.
Nakangiti lang ang kuwago habang papalayo ako. Sinira na naman niya ang araw ko.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...