3RD PERSON'S POV
Nang araw na iyon, tahimik ang buong opisina. Subsob lahat sa trabaho. Natanggap ni Hershey ang tawag na iyon habang abala siya sa harap ng monitor.
"WHAT?!"
"Zac, are you out of your mind? "
"Where are you right now?"
"Just take a taxi and ask him to bring you to DreamWorkX. You're going to give me a heart attack right now."
Saka niya ibinaba ang cellphone. Kumatok si Hershey sa kabilang dingding.
"Hmm, bakit?"
"Asia, anong gagawin ko? Dadating si Zac... Dito daw siya magpapasko"
"What?"
"Angdami kong gagawin... Bakit ba ako pinuputakte ng problema? AHHHHHHH!" Isinandal NIya ang kanyang leeg sa swivel chair.
"What's wrong? " Tanong ni Yoona at Sulli.
Walang anu-ano ay dumating ang isang babae. Hinahanap si Rodney. Petite ito ngunit elegante at sosyal kung manamit. Inglesera ang dalaga pero carry naman niya. Pumasok kaagad ito ng opisina. Umikot-ikot sa loob at umupo pa sa swivel chair ni Rodney.
"Rodney, Rodney... Where are you, Sweetheart?"
Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ni Hershey. Sweetheart pa ang tawag niya. Ngayon lang niya nalaman na may girlfriend na pala si Rodney. Kaya pala kahit anong pagpapapansin niya ay hindi uubra sa binata. Faithful lang siya sa kanyang girlfriend. Mukha nga naman siyang cheap kung ikukumpara sa babaeng iyon.
Tinawagan siya ni Rodney sa telepono, wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob ng opisina. Nakangiti naman siya para hindi halatang nasasaktan siya. Trabaho lang, walang personalan, iyon ang ikinatkat niya sa kanyang isipan.
"Yes, Sir."
Nakita niyang nakakandong ang babae sa binata. Nakayakap ito at halatang naglalambing sa kanya. Nakatingin sa kanya si Rodney. Siguro tinitingnan kung ano ang reaksyon niya. Hindi umalis ang babae kahit nandoon siya.
"Ikaw na muna ang magpreside ng meeting mamaya. May lakad lang ako"
"Thanks, Rodney" Hinalikan siya ng babae. Nagmarka pa ang pulang lipstick nito sa labi niya.
"Hindi kita matatanggihan. Ikaw pa" Dinig iyon ni Hershey. Hindi pa kasi siya nakakalabas ng opisina ng mga oras na iyon.
"Hershey, i-update mo ako mamaya ako the meeting"
"Yes, Sir. " pero hindi na siya lumingon. Parang wala siya sa sarili paglabas ng opisina. Pagpasok ng cubicle, tahimik siyang sumubsob at tumulo ang luha niya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...