PERSUASIVE ACT

862 14 0
                                    

RODNEY'S POV


Hershey is young and naïve when it comes to relationship. Ni hindi daw siya nagkaboyfriend kaya siguro sa edad niya medyo idealistic pa rin siya. Dahil naunahan na siya ng di magandang karanasan sa pag-ibig, nagsungit na ang dalaga lalo na kapag ako ang kaharap. Pero kapag katrabaho niya, halatang kinikilig siya at nakakangiti pa siya.


Nagpatawag ako ng meeting ng araw na iyon kaya hindi na nakatanggi pa si Hershey. Hindi niya ako puwedeng iwasan. Sabay sila ni Kris na pumasok ng opisina ng umagang iyon. Magkatabi rin sila ng upuan. Nakangiti si Hershey at pabulong –bulong naman ang peg nitong si Kris. Pahampas-hampas pa ang loka-loka. Tahimik ang buong department ng Creative Designs. Tumigil sila ng mahalata na mag-uumpisa na ako.


"It's December , guys. Loaded tayo ng mga gagawin ngayon. Busy ang ating printing department at mismong ang creative and designs department.


Sulli, i-update mo ang calendar natin para hindi tayo ma-delayed.

Yoona, yung mga kopya ng past minutes of the meeting, bigyan mo na lang sila ng kopya later. Anong balita kay Krystal? Kailan ang balik niya?

Sir, she is requesting this time na kung puwede po sa January na siya bumalik.

Hindi puwede. Madami tayong gagawin. Matatambakan ng gagawin si Hershey.

But for the meantime, make several OVERTIMES , Hershey. Hindi ka puwedeng umalis hangga't di mo natatapos ang mga templates natin or else tayo din ang mahihirap.

Okay po, Sir...

Sir, kailangan po namin ng extension sa KCi Clothing pictorials. Hindi po kasi available yung mga modelo nila for the scheduled dates.- Lucas

Ok!

Sasamahan ko na lang din po sina Lucas since hindi naman po gagamitin ang studio natin

Sige. Do it.

Sir, nandito po yung mga request ng iba nating kliyente. Locations on the North ang gusto nila but we need a fresh concepts on their commercial shoots.- Kris

Isama mo sina Sugar at Lei kung kailangan.



Mabigat ang trabaho namin ngayon. Hindi puwedeng ma-late pero hindi maiiwasang ma-late ng uwi. Sa kabila noon ay sinusubukan ko pa ring palambutin ang puso ni Hershey. Gusto kong ibalik ang dati niyang sigla. Hindi na siya malungkot, masungit nga lang. Nandoon pa rin ang galing niya, ang talent niya at ang passion niya sa work. Madali niyang natatapos ngayon ang mga templates ng designs na ipinagagawa ko. Pagdating sa gawa niya, pulido ito at hindi ko na ibinabalik for revision dahil agad din naman nagugustuhan ng mga kliyente namin.



HERSHEY'S POV


Wala ng nag-iiwan ng kung anu-anong pagkain sa mesa ko. Last time, coffee naman. Na-appreciate ko yun kasi gusto kong magkape ng umagang yun. Napuyat ako sa pakikipaglaro kay Hiker.


This time may mga sweet notes ng kung anu-anong ka-sweetikan ang nakadikit sa table ko with matching long stem of white rose. Pero ibinigay ko yun kay Fantasia sa halip na itapon sa basurahan.


"I don't accept things from a stranger or any anonymous person not even from a secret and stupid admirers" Napalakas ang sabi ko habang ibinibigay ko ang bulaklak kay Fantasia habang papadaan si Rodney.

"Stupid and secret admirer? Ako? Dati, patay na patay ka sa akin... Kunwari ka pa"


Napagaan nito ang pakiramdam ko sa kabila ng katotohanang mali-late akong uuwi dahil madami akong trabaho. Walang pahinga talaga. Dire-diretso ako sa tapat ng computer pero hindi basta-basta ang mga templates ng design ang kailangan ng mga kliyente namin ngayon. Ni hindi ko magawang tumayo para mag-cr.


Tuwing napapadaan ang mga flowerboys, kung anu-ano ang idinadaan nila sa cubicle ko kaya ano pang puproblemahin ko.


Late na akong umuwi ng araw na iyon. Late na rin si Kuwago. Hindi na siya tumatawag sa telepono pero ang nagbago, ako ang pinupuntahan niya sa cubicle ko para tanungin kung tapos na ang mga templates na ipinaagagawa niya sa akin.



Napansin ko ang incoming call... si Mommy.


"Yes, Mommy.... I'm sorry, Mom. Kayo muna ni Hiker ang magkasamang maghahapunan kasi madami po talaga akong tinatapos.

Dumaan po ba si Kris?

Tirhan mo ako, Mommy ha!

Angsweet talaga ni Kris...

Mommy please, stop it!

Okay, Mommy. Bye.


Isinalpak kong muli ang earphones ko habang nakikinig ng Korean song from EXO- Promise... Umikot ang swivel chair ko at gumulong ito palapit sa computer ko. Nagulat ako ng bigla itong pinigilan ni Rodney at pinaharap sa kanya. Kinabahan ako kasi halos magkapalit ang aming mga mukha sa sobrang lapit. Promise! parang mas malaki pa ang mata ko sa sobrang gulat kaysa sa mata niya.


Ngumiti siya sa akin at first time kong nakita ang original niyang ngiti. Hindi nakasimangot. Hindi galit. At higit sa lahat, hindi paplastik.


"O bakit ka namumula?" Itinulak ko siya. Tinanggal ko ang aking earphones.

"Mainit kaya... Anong namumula ang pinagsasabi mo ?"

"Ihahatid na kita. Masyado ng late" Malamyos ang kanyang tinig. Nakapagtataka naman. All of a sudden, napakabait niya. Ano kayang nakain niya? For the first time in EXO-HISTORY... este Human History.


Pero tumanggi ako.


"Huwag na po Sir. Mas kailangan ninyong magpahinga para di kayo palaging irritable. Ganyan sigruo ang pakiramdam ng tumatandang walang lovelife"

"Eh anong ginagawa mo?"

"I can not answer your problem, Sir. "

"Ikaw? Kailan ka magkakaboyfriend? Hindi mo na ba ako gusto?" Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit siya nagsasalita ng ganun. Titig na titig pa rin siya sa akin.

"Ewan ko sayo. Noong gustong gusto kitang maging boyfriend, aayaw-ayaw ka tapos ngayong nag-give up na ako, saka mo ako pinariringgan. Bahala ka sa buhay mo. "


Tumayo ako at lumabas ng cubicle ko. Kinabahan ako kasi baka kung ano ang gawin niya. Lumabas siya ng cubicle ko, saka naman ako pumasok. Minadali ko ang templates na tinatapos ko. Baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Ako na rin ang pumasok ng opisina niya para naman iwas sa seduction moves niya. Kasi nahahalata ko, siya ang mas marunong mang-seduce. Titig pa lang niya, para akong nahi-hypnotize. Napatitig ako sa labi niya at naalala ang kiss namin sa rooftop.


Bigla akong napapadyak dahil hanggang ngayon hindi ko iyon makalimutan.



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon