HERSHEY 'S POV
Nang mabasa ko ang message ni Fantasia sa Skype, bigla akong natauhan. Sapul ako sa mga sinabi niya. Hindi na ako bata para magmaktol. Palagi ko daw idinadamay ang trabaho ko sa personal na bagay . Tigilan ko na daw ang kahibangan ko kay Rodney. Kung ayaw ni Rodney, maghanap na lang ako ng iba. Huwag akong hahabul-habol na para akong mauubusan ng lalaki. Magkaroon naman daw ako ng konting delikadesa. Boss ko pa rin si Rodney at ako... empleyado. Paaral ako ng kompanya kaya bilang pagtanaw ng utang na loob, gawin ko ang trabaho ko ng tama. Madami ng pending na trabaho sa area ko at palagi namang di na-aaprove ang mga templates na ginagawa ng iba dahil mas gusto nila yung gawa ko.
Bagsak ako sa kama. Napaiyak ako. Kailangan pa akong sabihan ng masakit na salita bago matauhan. Tulad ng ginagawa ni Rodney sa akin... Iniinsulto niya ako para lang tigilan ko siya. I-focus ko na nga lang daw ang isipan ko sa trabaho. Bata pa naman daw ako at makakahanap pa ng magiging boyfriend.
Masinsinan kong kinausap si Zac. Hinatid niya kaagad ako sa airport.
"Hershey, just in case something happened and you wanted to go back"
"Thanks,Zac" Hinalikan niya ako sa pisngi.
Sa eroplano pa lang, hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko. Ano bang mukha ang maihaharap ko kay Rodney pagbalik ko ng DreamWorkX. Ipinikit ko ang aking mga mata kaysa mapagod ang isipan ko. Itinulog ko na lang. Haharapin ko na lang si Rodney. Tatanggapin ang mga pagkakamali ko at itutuon ang isip ko sa trabaho tulad ng gusto niyang mangyari. Tutal sanay na ako sa mga salita niya.
Walang stopover going to London ang Thai Airlines kaya... After 16 hours, nasa Manila na ako. Hindi ako nagsabi kay Mommy na uuwi ako.
Nagulat siya ng magdingdong ako sa gate.
Sa kanya pa lang, sermon ang inabot ko. Nasa kandungan ko si Hiker habang kinakatkatan niya ako ng sermon. Tuwang tuwa ang tuta dahil nagkita ulit kami. Pagkatapos ng mahabang bilin , wala akong inaksayang sandali. Kinuha ko ang gamit ko at nagmadali akong tumawag ng taxi at nagpahatid sa DreamWorkX.
Nakasabay ko si Sullivan sa elevator. Nakangiti siya.
"Miss you , Hershey." Bigla akong natawa. Medyo nahihiya pa siya pero paglabas namin ng elevator, niyakap niya ako. Sa kanya pa lang ,gusto kong maiyak. Gusto kong pagsisihan ang ginawa ko. Hindi ko alam na naapektuhan silang lahat ng pag-alis ko. Malamang pinagdiskitahahn na naman sila ni Rodney tulad pa rin ng dati.
Kasalukuyang may kinakausap si Rodney pero ng masulyapan niya akong pumasok ng cubicle ko pinaalis niya kaagad ang kliyente. Pumasok kaagad ako. Hindi ko na hinintay na ipatawag niya ako. Nagtama ang aming paningin. This time, konting tibok na lang... I could nearly forget the feelings. Dedma na sa kilig.
"Sir Rodney, I am sorry. I am still willing to work at DreamWorkX. I promise not to resign anytime I want. If you will give me another position then I will accept it."
"How could you leave me without saying any word? " Pabulong ang pagkakasabi niya pero nagngangalit ang bagang niya sa galit. Titig na titig siya sa akin. Para siyang toro na gusto na akong suwagin.
"Sir Rodney, I am sorry..."
"Then... what are you still doing here? GO TO YOUR WORK NOW!" Sinigawan na nga niya ako. Iyon ang natural na Rodney. Now I know, yun ang normal niyang tono. Nakakatakot kung bigla siyang naging sweet o bigla siyang ngumiti sa pag-welcome sa akin sa kabila ng pag-abandon ko sa work ko for two weeks.
Nakasalubong ko si Yoona. Ngiting ngiti siya ng makita ako. Hindi siya makasigaw pero niyakap niya ako. Tuwang tuwa siya.
"Yoona, ikansel mo na ang bakanteng position sa JobFinder"
"Yes, Sir. "
"Ibigay mo ulit kay Hershey ang specifications ng mga templates na kailangan niyang gawin"
"Yes, Sir."
Naunang lumabas si Yoona. Pero di pa ako sumunod sa kanya palabas. Nakatayo ako sa harapan niya.
"What? madami ka pang gagawin, Miss Hershey. Baka yung buong magdamag e hindi mo yun matapos"
"Sir, galit ka pa?"
"Hershey, go now!"
"Huwag na po kayong magalit sa akin" Di ko alam kumbakit tumulo ang luha ko.
"Bakit mo ako iniiyakan dito?"
"Eh Sir, galit pa po kayo?"
"Sinong matutuwa sa ginawa mo? Labas ka na nga dun"
"Opo..." Nasa pinto na ako ng bigla siyang magsalita.
"Kumain ka muna bago mo umpisahan ang trabaho mo. "
"Opo..." Bago yun a. Pero hindi ko na binigyan ng kahulugan.
Nagsisigaw sa tuwa si Bae ng makita ako sa cubicle ko. Napasugod din si Fantasia at Kai. Si Sulli, kasama ni Yoona. Niyakap ako ni Kris kahit nandoon si Jessica. Sina Sugar at Lucas, ngiting ngiti sa akin. Si Seiji naman, iniabot ang cappuccino. Nasa labas kasi sila noon. Binilhan siya kaagad ng kape . Kakailanganin niya iyon dahil tambak ang trabaho niya. Si Chandy naman eh may yabang pa rin. Sina Tao, Chen Lei at Sullivan e lalong nagkagulo.
Lumabas si Rodney pero walang kumilos sa kanilang lahat. Nakatingin lang.
"Ano pang ginagawa ninyo dyan? Balik na kayo sa mga trabaho ninyo." Walang kumilos sa utos ni Rodney pero unti-unti ay nagpaalam na silang lahat sa akin. Masaya akong bumalik sa loob ng cubicle ko. Pag-upo ko, sinimulan ko na ang trabaho ko.
Pumasok na lang si Kris para ilagay sa table ko ang eggpie. Dinalhan ako ng spaghetti ni Sugar at cake ni Bae with matching kiss and hug. Isa yun sa mga na-miss ko sa kanilang lahat. Sa DreamWorkX lang talaga ako magiging masaya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...