THE AFTERMATH

904 19 0
                                    

HERSHEY'S POV


Pagkatapos ng miting na iyon, tahimik ako sa loob ng aking cubicle hanggang sa mag-uwian. Hindi ako halos tumayo at ni ayaw kong magpakita sa kanya. Inubos ko ang oras ko sa pagbuo ng bagong konsepto dahil kailangan daw iyon ni Rodney.


Tumunog ang aking telepono. Nasulyapan ko si Rodney sa kanyang opisina.


"Hershey, tapos na ba yung mga templates na pinagagawa ko sa'yo?"

"Mayroon na akong natapos pero hindi pa lahat?"

"Come and see me in my office"

"Yes, Sir"


Paano ako matatapos nito kung tawag siya ng tawag sa akin? Gusto ko sanang tapusin iyon kaagad dahil pinauuwi ako ni Mommy ng maaga. Ilang gabi na rin akong umuuwi na tulog na siya. Sa agahan na lang kami nagkakaausap.


"Masyado ka yatang ginagabi, Hershey?"

"Mommy, madami kasing deadlines ngayon e. Kailangan kong matapos bago umuwi kasi matatambakaan po ako ng trabaho"

"Kumusta naman ang boss mo? "

"Ah si Rodney..."

"Rodney? Siya ba yung crush mo nung high school ka at iniyakan mo nung college ka dahil sabi mo kinasal na rin"

"Mommy naman e"

"Crush mo pa ba siya?"

"Baka mamaya, malaman-laman ko lang kabit ka na ni Rodney ha!"

"Mommy... hindi naman po natuloy kasal nila nung babae dahil hindi siya sinipot kaya may pag-asa pa ako"

"Pumapag-asa kang masyado...Baka ma-frustrate ka kaya don't expect too much"

"Mom, hindi ko nga alam kung paano niya ako mapapansin eh kasi mukhang hindi na siya marunong tumingin sa mga babae ngayon. irritable palagi sa akin. Palaging nakasigaw sa mga empleyado niya. Nagsusungit ng sobra. Ewan ba?"

"Kasi nga, masyado siyang nasaktan. Malay mo, hindi pa siya maka-get-over"

"Sana nga maka-move on na rin siya"

"Baka matatagalan pa, unless he finally open his heart to a new one"

"And I will make him love me"

Inismiran ako ni Mommy ng sabihin ko iyon. Natatawa siya sa sinabi ko.



"Let me see your work" Iniabot ko sa kanya ang mga sample ng designs na ginawa ko. Siguro namangha siya kasi mukhang nanlaki ang mga mata niya.

"What?" Tanong ko ng bigla siyang napatingin sa akin. Hindi naman siya ngumiti kaya kinabahan ako.

"Finish your work before leaving and be early tomorrow. Kailangan ng Harper Music ng template ng design for printing din tomorrow. Pati yung kay Apollo Ohanko, huwag mong kalimutan. Heto ang details"

"Eh Sir, kasi..."

"Bakit? May reklamo ka..."

Hindi pa ako tapos. Isinandal ko ang likod ko sa aking swivel chair. Napagod talaga ako. Ini-exercise ko ang aking daliri dahil kanina pa akong nangangalay.

"Hershey, bakit hindi ka sumunod sa canteen? Kanina ka pa naming hinihintay doon"- Kris

"Anong oras na ba?"

"Past 5 o clock na"

"Ha!" Nagulat ako. Hindi ako nakaramdam ng gutom sa sobrang kaabalahan ko. Madami akong iniisip at lalo akong na-stress.


Iniabot sa akin ni Kris ang eggpie na paborito kong orderin sa canteen. Inabot sa akin ni Sugar ang kape, tulad ng madalas niyang makitang hawak-hawak ko. Buti pa sila, naiisip nila akong yayaing kumain pero yung isang lalaki sa loob ng opisina niya.... hindi na naisip kumain. Dire-diretso siya sa kanyang inaasikaso sa harap ng monitor matapos umalis ng mga investors.


Tumunog na naman ang telepono.


"Huh! Opo, nandyan na" Nagmadali akong pumasok sa opisina ni Rodney. Hay naku, nakasimangot na naman siya.

"Nasaan na? Tapos na?"

"Hindi pa po e"

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Sabay tingin sa labas ng bintanang salamin.

"So, may gana ka pang makipagharutan... Tapusin mo muna trabaho mo."

"Rodney, gusto mong sumabay kumain. Hindi ka pa rin kumain di ba?"

"What did you call me?"

"Sir, baka gusto po ninyong sumabay kumain sa akin sa kantin?" Inulit ko ang sinabi ko.

"Where did you get such confidence to call me by my name? Who gave you the right to do it?"

"Sorry , Sir" Napayuko na lang ako.

"Ms. Hershey Romualdez, hindi porke't close ka sa papa ko at nakukuha mo ang atensyon niya e feeling close ka na rin sa akin"

"Fine, whatever" Sagot ko sa kanya ng pabalang. Nakakainis na rin kasi siya. Tinalikuran ko na siya kasi pakiramdam ko, wala siyang kuwentang kausap.

"Huwag mo akong talikuran habang kinakausap pa kita"

"Sir, nagugutom na po ako. Paano ko matatapos ang ipinagagawa PO ninyo kung hindi muna ninyo ako pakakainin? Tapos tawag kayo ng tawag sa akin . Hindi na po ako makapag-isip ng matino , Sir kasi sinisermunan pa ninyo ako at kung anu-ano ang sinasabi ninyo. Is that how you boost the confidence of your employees?"


Natahimik si Rodney. Tuluyan ko siyang tinalikuran. Sa cubicle na lang ako pumunta. Nalipasan na rin naman ako ng gutom. Kinain ko na lang ang dala nina Kris at Sugar. Nagdala rin ng pagkain si Fantasia para daw may kainin ako kung sakaling late akong makauwi.



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon