HERSHEY'S POV
That's Fantasia Romero. Ang aking best friend.
Way back in our high school days, pareho kaming scholar ng DreamWorkX.
Pareho din kaming pinadala sa ibang bansa.
Ang totoo, magkasama kami sa London School kaya lang umuwi siya ng malamang may sakit si Tito Albert. Sa kasamaang palad ay namatay ito. Mabuti, nakauwi pa siya at nakita ang kanyang papa sa kahuli-hulihang saglit ng kanyang buhay. Kung pinili niyang manatili sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, malamang malaki ang kanyang panghihinayang.
Nanghinayang man siya, at least sa pag-aaral lang iyon. Puwede siyang magpatuloy dito. Ang sa akin, iba ang oportunidad na maibibigay ng pag-aaral ko at ng iba pang training na makukuha ko sa ibang bansa lalo na at high tech sila doon.
Mas advance at may quality talaga sa lahat ng enhancement programs.
Pinilit kong makisama sa mga kaklase kong Briton.Hindi naman ako nalungkot dahil mababait sila sa akin. Hindi nila ako iniiwan tuwing weekends. Iniimbitahan nila ako sa kani-kanilang mga bahay. Isinasama din sa kanilang mga gimmick at summer outings. Isinasali sa kanilang mga summer sports and festivals.
Doon ko din nakilala si Zacchary Schurman.
Kaklase ko siya sa lahat ng subject namin sa Master's Degree. Siya ang tumulong sa akin kung paano ko gugugulin ang aking oras ng tama. Kung kaya ko daw magtrabaho kahit 2 oras lalo na para mahasa sa larangan ng Graphics, pwede akong tumanggap ng mga on-line services. On-line bank transfers din ang bayad.
Tama nga siya. Nababayaran ako ng dolyar sa mga disenyong nagugustuhan sa on-line.
"I told you, you'll be rich in no time. It's safe. You don't need to go to work or go home late. You can still rest and have most of your time"
"Thanks Zacchary. You're such a big help."
"So, what do you plan when we graduate? Two months will be fast approaching. "
"I'll be going home"
"Why not try looking for work since you are already here?"
"That's not what I plan. I missed my mom so much"
"Will you be back?"
"I don't think I still have the reason to come back"
"Do you think you'll come back because of me?"
"What?"
"I like you Hershey."
"Are you nuts?"
"No, I'm allergic to nuts. "
"Are you joking?" Bahagya akong natawa.
"It can't be. I'm sure. I just didn't tell you right away because I know you've been very serious and focus with your studies."
"Zac, please....I don't know what to say"
"Then say nothing... I know it's quite shocking. I don't just like you. I already love you"
Twannnnggggg!
Hindi ko keri, teh!
Lokong Briton ito.
In fairness naman, huwag namang isnabin ang kagwapuhan niya.
Kamukha niya si Zac Efron ng High School Musical.
Inihatid niya ako sa airport ng araw na umalis ako.
Hindi siya umiimik pero pasulyap-sulyap lang sa akin.
Bago ako mag-check –in.
"I'll come and see you, Hershey"
"Just tell me when..."
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Bigla siyang nalito kung hahalikan ba ako.
Hoy! Pinay ito kaya huwag mo akong hahalikan sa labi dahil papuputukin ko ang nguso mo or you're dead.
Buti naman at natigilan siya at sa pisngi ako hinalikan.
Marunong naman siyang rumespeto ng pinay.
Fine... mabait. Pogi pero walang dating.
Pinoy?
Hindi pa rin.
Koreano...
Check na check...
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...