THE FULFILLMENT

1K 17 0
                                    

3RD PERSON'S POV


Namatay si Lola Blossom. Iyak ng iyak si Hershey dahil halos kamamatay pa lang ng kanyang ama. Napaka-traumatic ng pangyayaring iyon para sa edad niyang iyon ngunit naging determinado siya para makapagtapos ng pag-aaral. Bagama't nahirapan silang mag-ina, hindi siya pinanghinaan ng loob na makagawa ng paraan. Hindi siya nag-working student pero humanap siya ng scholarship na puwede niyang aplayan.


Nakakuha siya ng scholarship noong high school. Sa awa ng Diyos, natapos niya ang high school na isang valedictorian.


Lalong inulan ng suwerte si Hershey dahil nagkataong bukas ang scholarship para sa computer studies sa kolehiyong gusto niyang pasukan kaya iyon ang kursong kanyang sinubukan. Mabuti na lang at iyon din ang kanyang hilig.Natapos ni Hershey Romualdez ang kolehiyo bilang summa cum laude ng isang kilalang computer school ng bansa.


Sino ang hindi nakakakilala sa kanya? Matapos niyang maka-graduate with flying colors , pinadala kaagad siya sa ibang bansa upang mahasa sa larangang kanyang tinapos.



Master's Degree in Graphic Arts and Designs...



Sa United Kingdom na siya nagpatuloy ng kanyang Master's Degree sa Graphic Arts and Designs at the same time, kumikita ng malaki. Exchange students siya kaya wala siyang pu-problemahin basta focus lang sa pag-aaral. Ganoon naman ang ginawa niya. Aral kong aral.


Kahit mga Briton pa ang kasalamuha niya, at mega-twang-twang ang dila niya , no big deal. Kahit ala-Harry Potter pa sila, Hershey invaded them with her wildest imagination in creative arts and designs. Inisponsoran si Hershey ng isang kompanya para sa lahat ng bagay, mula sa kanyang plane ticket, dormitory, allowance, clothing, food and books expenses hindi niya problema.


What do you expect in return?


Maging bahagi ng mismong kompanya na iyon bilang pagtanaw na rin ng utang na loob. Hindi na rin masama dahil nakatulong ito ng malaki sa kanya at sa kanyang ina. Iyon ang kapalit ng lahat ngunit hindi siya nagdalawang isip. Pumayag kaagad siya at pinayagan din siya ng kanyang ina. Iniiyakan iyon ni Cielo at naalala ang kanyang biyenang babae.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon