MELTING MY HEART

829 14 0
                                    

HERSHEY'S POV


Na-praning na naman ako. Nasapian na naman ako ng demonyo. Ang sabi ko, kalilimutan ko na siya. Pero hindi ko pa kaya. Until , I experienced the unforgettable humiliation in my life. I gave him a loveletter that day... Ipinatawag niya ako at nakita kong hawak pa niya ito. Pagpasok ko binasa niya ito.


"Dear Rodney, I never believe in LOVE AT FIRST SIGHT until the day I first set foot in your office. When I set my eyes on you, I immediately understand what love is. Tell me, where is LOVE? It's there, alive when I am with you. You can be the most irritating boss there is in this company or the most cold blooded primate in your own planet, whatever fears your have, wherever they are coming from... I AM HERE TO LOVE YOU"


Saka niya inihagis ang sulat sa akin.


"Kailan mo ba titigilan ang kahibangan mo sa akin?"

"Kahibangan ba ang tawag mo dito?"

"Anong nakita mo sa akin para magkaganyan ka?"

"Hindi ko alam, basta isang araw nakita lang kita... nasabi kong ikaw ang gusto kong maging boyfriend"

"Wala ka talaga sa sariling katinuan"

"Lalo ka na..."

"Ngayon lang ako nakakilala na ganyang klaseng babae. Matalino pero hindi ginagamit ang utak"

"Sa'yo nga lang ako naging bobo e. Nakakabobo pala ang ma-in-love. Puro ka-praningan ang naiisip ko"

"I don't like cheap girls like you. Hindi ikaw ang tipo kong babae na pag-iilusyunan kong maging girlfriend"

"Ha!"

"Bingi ka rin pala. Ngayon ko lang nalaman."

"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng konting tibok ng makita mo ako sa kabilang ng mga ginawa ko"

"What you did is all nothing to me. They are not for me. I'm not even impressed. They are all cheap"


Ang sakit!

Cheapipay pala ang dating ng lahat ng iyon sa kanya.

Low class.

Much worst, hindi ako ang tipo niyang babae.



Akala ni Rodney, nagkainitindihan na kami....



Umiyak ako ng umiyak sa katotohanang nalaman ko. This time, totoo na ito. Nasaktan talaga ako sa ginawa lalo na sa mga sinabi niya. Late na akong lumabas ng opisina. Nagpakalasing ako ng gabing iyon. Mag-isa akong pumasok ng bar. Mag- isa din akong uminom hanggang sa mapasubsob ako sa lamesa. Tumatawag pala noon si Kris kaya yung waiter na nagserve sa akin ng alak ang tumanggap ng tawag.


In no time , halos paliparin ni Kris ang kanyang kotse. Nag-aalala siya dahil nasa ganoong klaseng lugar ako. Maari akong mapahamak sa ginawa ko. Binuhat niya ako at maingat na ipinasok sa kanyang kotse. Nag-alala din si Mommy ng ihatid ako ni Kris na walang malay.


"Kris, bahkit hindi niyah akoh gushto? Pangit ba ako? " Habang naglalakad kami at nakahapay ang braso ko sa balikat niya.

"Hershey... ano ba? Tumigil ka nga..."

"Ihkaw ngah, tyhpe mo akoh dih bah? dih bah?"

"Mukhang napadami po ang nainom ni Hershey. Mabuti po at tinawagan ko siya..."

"Salamat, Kris... Kung puwedeng ikaw na lang sana ang magustuhan ni Hershey bakit ba hindi? Kaya lang iba talaga ang tama niya sa kuwagong yun eh!"

"Naiintindihan ko po kayo, Tita. I'm here to be her friend"

"Thanks, Kris.."

Pinapasok ni Mommy si Kris sa loob ng kuwarto ko. Nagpatulong siyang ihiga ako sa aking kama.



CIELO'S POV


Kahit kailan ay hindi ko pinanghimasukan ang anumang desisyon ni Hershey lalo na pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin. Nitong mga nakaraang araw ay gabing gabi na siyang umuwi. Minsan ay madaling araw pa nga. Ni hindi kami na nga kami nagkakakuwentuhan dahil tahimik lang siya habang kumakain. Namumugto pa ang mga mata at iniiba ang usapan kapag tinatanong ko siya tungkol kay Rodney.


Hindi ko pa nakikita si Rodney. Wala itong picture sa kuwarto ni Hershey. Wala rin sa wallet. Kaya iniisip ko kumbakit ganito na lang siya kaapektado nang mabisto siya bilang secret admirer ng kanyang boss.


SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon