SURPRISE VISIT

817 17 0
                                    

RODNEY'S POV


Kinabukasan, tinotoo nga ni Hershey na hindi na ito papasok. Sa tingin niya, ganun kadaling magresign. Not with a boss like Rodney. Kahit gusto ko nang iwasan sana na hindi na sumigaw, wala akong choice kundi magpakita ng ala-Marshall Law sa department ko.


"Ano bang nangyayari kay Sir?" Yoona

"Mabuti at nagising pa siya? Pakiramdam ko, aatakihin na siya sa puso sa pinaggagawa niya"- Sulli

"FANTASIAAAAAA!" Malakas kong sigaw. In just a flash, nasa harap ko na ang bff ni Hershey. Sanay na siya sa eksenang ganito kaya walang kasindak-sindak siyang lumapit sa akin. alam niyang galit na galit ako.

"Tawagan mo si Hershey, ngayon din. NOW NA! Madi-delay ang trabaho natin sa ginagawa niya."

"Sir, she's not picking up the phone"

"I DON'T CARE.... I WANT YOU TO DO SOMETHING .... NOW!" Magdodonate na lang ako ng hearing aid sa mga empleyado ko once na may isa sa kanilang mapatunayang nabasagan ng eardrum sa kagagawan ko.



"Bakit ko ba siya na-miss? Hindi puwede ito?"



"Opo, Sir"


Mas nakakagulat ng biglang dumating si Papa. Parang may surprise visit. Naramdaman niya ang tensyon sa loob ng aking opisina. Biglang nagsipag-alisan ang mga kausap ko kanina. At ang una niyang hinanap.... si Hershey.



"Where is Hershey?"

"See, Papa. I told you... She is already making a mess in our company."

"What's wrong? "

"She is causing the delay..."

"Rodney, will you please clam down. Ang sabi ko alalayan mo siya sa trabaho pero ano tong ginagawa mo?"

"Papa..."

"Iho, kulang ka lang sa motivation kaya ka masyadong irritable. Tatandang binata ka sa ginagawa mo"


Alam kong kakampihan niya si Hershey. Tumahimik na lang ako lalo na kung malalaman niyang nag-resign si Hershey, baka siya pang magwala dito sa opisina.



ROMUALDEZ' RESIDENCE


HERSHEY'S POV


Mataas na ang sikat ng araw at tahol na ng tahol si Hiker. Gusto na niyang lumabas para magpupu pero hindi ko siya pinansin. Hinila na niya nag bedsheet ko.


"Hershey, bumangon ka na dyan. may pasok ka pa. kanina pang tunug nang tunog ang cellphone mo"

"Nag-resign na po ako" Sagot ko habang pupungas-pungas pa ako.

"ANO?" Gulat na gulat si Mommy sa sinabi ko. Hindi ako ligtas sa sermon niya.

"Anak, hindi maganda yan. Hindi porke't hindi ka gusto ni Rodneng hudas na iyon at ni-reject ka eh basta ka na lang aalis sa trabaho. Hershey, trabaho ito. Hindi ito laro."

SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon