HERSHEY'S POV
Kailangan kong kumilos ng normal na parang walang nangyari. I did great. Nagawa ko naman. Pagdating ko sa opisina, sina Bae ang nadatnan ko sa cubicle ko. Nandoon si Lucas at Kris. Pinasaya nila ang araw ko. Alam ni Kris kung ano ang pinagdadaanan ko.
Wala namang araw na hindi sila tumambay sa area ko. Bago mag-umpisa ang araw, magsisimula ang lahat sa biruan, tawanan at kape. Magpapalipad- hangin na naman ang mga superman. Magpi-perform na naman ang mga feeling EXO. Magpapa-impress na naman ang mga feeling teenagers. Napapasaya nila ang araw ko sa kabila ng pinagdadaanang surgery ng puso ko.
Si Fantasia, nakatingin lang sa akin. Nakangiti sa nakikitang lungkot ng aking mga mata. Masaya na rin dahil kahit papaano I am trying to avoid Rodney as the subject.
Akala ko babae lang ang pa-hard-to-get pero lalaki din pala. At ang isa pang tulad niya ang pag-uukulan ko ng ganitong klaseng effort. Akala mo naman si Noni Aquino na "Worth fighting and dying For"
Kahit siguro 21 ways pa yan or 8 ways to seduce a guy with your body language or kahit yung TOP 13 best tips on how to seduce a man in seconds. Pinakamabilis na nga 'yung milliseconds... May mas bibilis pa ba doon? Milliseconds na nga ng basketball yun eh.
Whether in just one touch or in a blink of an eye o kung ano pang language, they are not effective with this kind of guy.
I feel devastated. I feel humiliated. Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko sa kanya sa kahihiyang inabot ko.
How to turn him on... Ayoko na. Suko na ako. I quit. The white flag is up.
Hindi siya ang tipo ng lalaking puwedeng idaan sa pa-seduce-seduce. Bakla siguro siya
Hindi ko akalaing mangyayari sa akin ito.
And i regret everything...
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...