HERSHEY'S POV
Pero ilang beses ko bang sasabihing kalilimutan ko na siya. Ilang beses din akong mapipikon sa mga pang-iinsulto niya? Nakakabad-trip talaga siya. Tuwing gigising ako sa umaga, nasisira ang araw ko kapag si Rodney ang una kong naaalala at ang mga pang-iinsulto niya. Pero kapag tumahol na si Hiker, masaya na ako.
Pagpasok ko ng araw na iyon, puro alingasngas ang narinig ko. Nagulat ako ng makita ko ang magandang ayos ng pumpon ng bulaklak na nasa ibabaw ng mesa ko. Tinapig ko iyon at nahulog sa sahig. Hindi ko dinampot.
"Bakit may basura sa ibabaw ng lamesa ko? Kanino ba yan?"
"That's exactly what we will be asking you! kanino galing ang mga bulaklak na ito?" Kai, Fantasia at Yoona ang nagtanong.
"Excuse me, hindi bulaklak... kundi basura"
"Sino kaya ang magkakamaling magbigay sa akin ng bulaklak?" Buntunghininga ni Yoona sabay tingin kay Sulli.
"Ilakas mo pa para marinig ni Chandy" Sabay tapik ni Sulli sa balikat ng dalaga.
Kinuha ko ang bulaklak at inilagay sa basurahan.
"Bakit mo yun ginawa? Hindi mo pa nga nakita kung kanino galing. Isipin mo na lang na masasaktan yung nagbigay sayo kapag nalaman niyang ibinasura mo yan"
"E di damputin mo. Kunin mo... Ikaw yata ang interesado eh" Hindi ako pinatulan ni Fantasia.
"Hindi ako interesado kung sino ang praning na yun para maglagay ng basura sa lamesa ko"
"Bakit parang mainit yata ang ulo mo?"
"Well, let's just say na hindi lang maganda ang gising ko at dinagdagan pa ng mga bulaklak na iyon"
"Ay naku, mahirap talagang mahawa kay Boss Rodney. Tingnan mo siya..." Sabi ni Sulli sabay apir nina Fantasia at Yoona.
"Hershey?"
"I changed my mind, maybe my heart is not yet ready but it will soon"
"Talaga!"
Ngumiti ako sa kanya. Sabi ko, susubukan ko pero hindi pa rin iyon sigurado. Puwedeng paggising ko isang umaga, magbago ulit ang desisyon ko. Atleast ngayon, sa tingin ko puwede ulit akong mag-umpisa sa simula.
Late na akong umuwi ng araw na iyon. Napansin kong pasulyap-sulyap lang si Rodney sa cubicle ko. Kahit si Fantasia ay nakahalata. Para sa akin, it's no big deal.
Tumunog ang telepono pero hindi ko iyon sinagot. Tumayo ako at kinuha ko ang aking bag. Walang anu-ano, tumulo ang luha ko. Kumikirot ang puso ko. Hindi ko ugaling iwan si Rodney ng ganoon sa labas ng opisina, saka ko siya nilingon.
Si Fantasia ang nakita kong tumayo. Nakita kong dinuduro siya ni Rodney. Baka siya pa ang pinagalitan dahil hindi ako nagpunta sa kanya.
"Sorry, Rodney. This is the only way to forget." Simula pa lang nahihirapan na akong iwasan siya.
Nalaman ko kay Fantasia na hindi nagugustuhan ni Rodney ang ginagawa kong pag-iwas. Though hindi ko naman napapabayaan ang iba ko pang responsibilidad, hindi niya gusto ang pinaggagagawa ko. Boss ko pa rin siya. Ano man ang kailangan niya o ipag-uutos, kailangan ko siyang puntahan kaagad. Hiwalay ang personal na problema sa trabaho.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicle
RomanceHe just believed that everything has its proper place and a proper time. And he has always been misunderstood as being cold guy and strict boss... But deep inside Rodney is aching after his bride ran away. Since then, he never looked at another wo...