MAKE UP FOR ME

810 17 0
                                    

HERSHEY'S POV


Mas bumuti na ang pakiramdam ko ng araw na iyon. Naghot-bath pa rin ako para hindi ako mabigla. Pagkakain ko ng almusal, nagpaalam na ako kay Mommy.



"Hershey, maaaga ka bang uuwi?"

"Mom, I'll try..."

"Sige, ingat"



Dumiretso ako ng Skycraper. Hindi ko dinaanan ang ipinakukuha ni Rodney sa HallyuTowers. Tanghali na nang dumating si Rodney. Nakapostura ito. Pormal na white polo with matching necktie. Masaya itong pumasok ng kanyang opisina. Walang anu-ano bigla siyang sumigaw at ibinagsak ang telepono Tinawag niya ako. Sa lakas ng boses niya, daig pa ang naka-intercom...



"HERSHEYYYYYY!"



Napatayo talaga akong bigla. Naku, lagot!.....



"HINDI MO BA BINASA ANG LAMAN NG INBOX MO?"

"Binasa ko po, Sir..."

"Bakit hindi mo dinaanan yung USB ko sa condo?"

"Ha, a e... kasi Sir...."

"HERSHEY, MAHIRAP BANG GAWIN ANG IPINAGAGAWA KO? ANONG AKALA MO? MAY GAGAWIN AKO SAYO! GANUN? "

"Hindi naman po sa ganun , Sir"

"GET OUT! GET OUT! " 


Itinulak niya ako palabas ng opisina. Galit na galit talaga siya. Nakasalubong ko si Sir Gardo ng Printing Division. Nalaman kong nagagalit yung mga kliyente ni Sir dahil kailangan na nila yung tarp. Lumabas ng opisina si Rodney.



Guilty naman ako dun. Wala na akong magawa. Pinagdudahan ko ang motibo niya kaya hindi na ako nagpunta. Nagkamali ako kaya tumahimik na lang ako nung magalit siya.




Kinausap ako ni Fantasia.



"Friend, anong problema?"

"Wala naman. "

"Masyado kang tahimik ngayon. Nakakapanibago. kahit si Bae, hindi sanay na sa kilos mo. "

"Masama lang yung pakiramdam ko kasi sa klima..."

"Kung may problema, sabihan mo lang ako ha!"

"Don't worry ,Friend . I can handle this...."



Hindi ko masabi kay fantasia ang nangyari sa pagitan namin ni Rodney. Mabilis ang mga pangyayari kaya... Baka sisihin pa niya ako dahil ako ang unang nagpakita ng motibo kay Sir Rodney. Lalaki lang siya, babae ako. Malaki ang mawawala sa akin. At nawala na nga...



Nagpa-late talaga akong lumabas ng opisina. Maaagang umalis si Rodney sa sobrang galit sa akin. Dahan-dahan akong naglakad sa parking area. Walang anu-ano ay may tumawag sa akin pero lalo akong nagmadaling pumasok sa loob ng kotse ko. Bago ko isinara ang pinto ng kotse, iniharang niya ang kanyang kamay. Hindi ko pinilit na isara dahil maiipit ko naman ang kamay niya. 



"Ano ba, Hershey?"

"Sir, I'm sorry... Natakot lang po akong pumunta ulit ng condo ninyo..."

"Tigilan mo nga ang katatawag sa akin ng Sir kapag tayo na lang dalawa..."

"Sorry na po... Hindi ko na uulitin."

"Hershey, makinig ka muna sa akin. "

"Sir, kailangan ko na pong umalis."

"Hershey..."

"Sir Rodney, please" Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Dahan-dahan niyang isinuksok ang mga daliri ng knayang kaliwang kamay sa ilalim ng aking batok at hinapit ng kanyang kanang kamay ang aking beywang palapit sa kanya.



Naglapat ang aming mga labi. Mainit ang kanyang mga labi. Halos pigain niya ako sa kanyang pagkakayakap. Pumalag ako ngunit hindi niya ako tinantanan. Nang bitiwan niya ako, tinitigan niya ako. Hindi pa rin ako tumingin sa kanya.



"I am sorry kung nasigawan kita kanina..."

"Sorry din po... Puwede na po ba akong umuwi?"

"Puwede bang samahan mo muna akong kumain?" Umiling ako.

"Sumama ka sa akin ngayon."

"Ha! Ayoko nga..."

"Ano ka ba? Wala namang mangyayari sa atin eh?"

"Ayoko..." Pero pinaandar na niya ang kanyang kotse at binagtas namin ang pamilyar na kalye papunta ng HallyuTowers.



Nagulat ako ng makita ang magandang table setting sa kanyang condo. Sabayan ko daw siyang kumain dahil palagi daw siyang mag-isang kumain. Kapag ginawa ko yun, hindi na siya magagalit sa akin. Pinagbigyan ko na siya para manahimik siya. Lately kasi, nakita kong unti-unti na siyang nagbabago.



It's a good sign. He must really be in-love para siya magkaganito.



SEDUCING MR. INNOCENT GUY, a chronicleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon