Chapter 12

487 13 1
                                    

Pinunas ko ang luha ko nang palapit na ako sa may guardhouse. Ayokong magtanong pa sila kung bakit ako umiiyak.


Gumilid ako nang makita kong may sasakyan na papasok nang village.


"Madi!" Hindi ko napansin na kotse pala ni Drew yun. Agad akong tumakbo nang makita ko siya. Naramdaman ko namang hinabol niya ako.

Hanggang sa naabutan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Hindi naman mahigpit ang hawak niya pero nasasaktan pa rin ako dahil sa bigat ng kamay niya.


"Madi, hear me out." Sabi niya. Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas. "Look. I'm sorry sa sinabi ko kanina. I know I sounded obsessive but I only did that para marinig ni Austin."


Napahinto ako sa pagpupumiglas nang marinig ko ang sinabi niya...


"Ano pong nangyayari dito, ma'am?" Hindi ko nga napansin na may guard palang lumapit sa amin.

Ilang segundo pa bago ako makasagot. "W-wala po, kuya."

"Wala, kuya. Just a slight misunderstanding with my girlfriend." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Binaon na ako ng kuryosidad sa sinabi niya kanina.

"Sure po kayo?" Tanong uli ng gwardya.

"Yes. Please leave us for a moment, I have something personal to tell her." Sagot ni Drew.

Tumingin muna ito sa amin bago bumalik sa guardhouse.


"A-anong sinabi mo, Drew?"

Bumuntong hininga ito. "I'm really sorry. I know you saw Austin watching us. Sinabi ko lag yung mga sinabi ko kanina just to let him know na hindi siya kawalan. Na maraming nakapila sayo kapag iniwan ka niya. I sounded like an asshole, I know but please..."

Tipid ko siyang nginitian. I know he made an effort of showing Austin what he's missing. But what's the use?

"Hug?" He offered me a hug at agad ko naman siyang niyakap.


I hugged him tight. My head was on his chest since he was really tall. He somewhat reminds me of Austin when I close my eyes. Pero iba ang ugali nila.

"Thanks for your effort of making him realize my worth. But I don't see the need to. It's over..."


Humiwalay siya sa pagkayakap sa akin pero hinawakan niya ang balikat ko. I smiled at him kahit na may luhang nagbabadyang pumatak.


"Hindi ko alam." Tumawa ako pero tuloy tuloy nang pumapatak ang luha ko. "Hirap na hirap na ako. Ayoko na. Lalo ko lang siyang nagugustuhan kapag magkasama kami sa iisang bahay. He's sweet and all, pero kapag andyan na si Lexie everything is back to the way it was. It seems like everything is temporary."


Hindi na siya nagsalita at niyakap niya ako nang mahigpit. He then asked me where I was going. Kaya sinamahan niya nalang akong mag mall.


Nakaupo ako sa isang shoe store habang hinihintay ang size ng bibilhin kong shoes.

"Hey, isn't that Austin's wife?" Tanong ng isang babae sa dalawang kasama niya. Magbubulungan nalang ay naririnig ko pa.

"Si Austin naman may ibang girl. What the hell?"

"What kind of relationship is that when they cheat on each other?"

"You know what the say... Marrying at 18 is like leaving the club at 10PM." She shrugged. Magbubulungan nalang rinig ko pa!


"Are you done?" Nakangiting tanong ni Drew nang lumapit ito sa akin.

"Oh my gosh, si Drew Adrian Razon yung guy niya?"

"He's mine, eh! Nakakainis naman. First she stole Austin and now she's stealing Drew? Lucky whore."

Napatingin si Drew sa mga babae. Marahil ay narinig din niya ito. Napayuko tuloy yung mga babae aa titig ni Drew sa kanila.


Nang dumating ang shoes ay agad ko na rin itong binayaran. Drew even insisted of paying for it. Pero kasi, ako lang ang nagpasama sakanya papunta dito.


Hinatid niya ako hanggang dun lang malapit sa bahay. Mahirap na baka makita pa kami ni Austin at kung ano pa ang mangyari...


Pagpasok ko ng bahay ay nakaupo lamang si Austin at nanunuod ng TV. Tumingin siya sa akin at may sasabihin dapat.

Paakyat na sana ako ng hagdan nang makita kong lumabas ng kusina si Lexie. May hawak itong plato na may pagkain. Siguro ay dadalhin niya iyon kay Austin.

"I-uhh.. Madi." Sabi ni Austin kaya napalingon ako sa kanya. "D-dito muna si Lexie... Lumalaki na kasi ang tiyan niya at kailangan ko na siyang alagaan."

Pinasadahan ko ng tingin si Lexie. Medyo lumilitaw na nga ang baby bump niya.

"Pinalayas na rin kasi siya ng magulang niya..." Dugtong pa ni Austin.

Lumingon ako sakanya. "Bakit ka nagpapaalam sakin, bahay mo naman to?" Sagot ko saka umakyat ng hagdan.


Pinagkukuha ko lahat ng gamit ko sa kwarto namin ni Austin. Nilipat ko ang lahat ng iyon sa isa pang bakanteng kwarto.


Kagat kagat ko ang dila ko at pinipilit na huwag nang umiyak. Tinawagan ko si Drew at kinwento sa kanya ang nangyari..


"File an annulment." Sabi nito sa kabilang linya. "Wag mo nang antayin ang natitirang dalawang linggo. Manghihina ka lang lalo."

"Pag iisipan ko, Drew..." Sagot ko. "Sayang naman..."

"Nagbabakasakali ka pa rin ba?"


Hindi ako sumagot.


"Tama na, Madi. May pamilya na siya. At alam kong mahal talaga ni Austin si Lexie. Sa dinami dami ng naging babae niya, si Lexie lang talaga ang babaeng gusto niyang talaga..."


Bumuntong hininga ako. "1 week, Drew."



Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon