I've been staying here in Cebu simula nang umalis ako ng bahay namin ni Austin. I took my final exams online kaya kahit papaano napagkaabalahan ko ang magreview at makalimot. Although naiinis pa rin ako dahil kahit saan ako magpunta andun ang alaala niya. Even the final exams na may nakasulat pang Mrs. Villaverde.
Hindi naman ako naiiwang mag isa dito. Sa halos dalawang linggo ko dito ay kasundo ko si Marie na ni-hire ni ate Crystal. I don't understand her, hindi naman ako suicidal. Pero it helps naman kasi may nakakausap ako na taga rito lang din. Nakakagala ako kahit saan since kabisado niya dito. Nakakausap ko din minsan si Dani, ang anak ni ate Crystal, kapag wala itong pasok.
I'm okay kasi at least nawawala ang isip ko kay Austin kahit papano. Pero at the end of the day, kapag mag isa nalang ako sa kwarto ko, I can't help but think of it. I'm still wondering. Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Austin? Is he happy? Is he sad? But of couse, he's happy. He never even bothered to chat me or send an e-mail. Pero hindi ko alam kung bakit umaasa ako, I changed my number. I asked for a sign na kapag dating ko nang Cebu at walang text galing sa kanya, magpapalit na ako ng sim.
"Good morning, Marie.." Nakangiting sabi ko kay Marie na nagpre-prepare ng breakfast. Ngumiti ito sa akin at nagpatuloy sa paggawa ng sandwich. Lumapit ako sa kanya.
"Walang cheese?" Tanong ko.
"Sabi ni ate Crystal ayaw mo daw ng cheese, eh." Sagot nito.
"Ha?" Sagot ko. "Gusto ko, ah."
Habang kumakain kami ay napansin kong pangiti-ngiti si Marie sa kanyang phone. Marahil ay may ka-text ito. Halos magka-edad lang kami at hindi imposible na may kausap nga ito.
"Uyyyy... Pangiti ngiti." Pang aasar ko.
Nakangiti pa rin ito nang bumaling sa akin. "Baliw. Yung boyfriend ko kasi ito simula nung nag aaral pa ako. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa kanya, ewan ko kung bakit..."
"Nakakainggit ka naman pala." Sagot ko.
Tumingin ito sa akin at natawa. "Sa Sunday, nandito sila ate Crystal, magdi-day off ako. Magkikita kami.."
I bit my lip. Nakakainggit naman siya. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Mabait kasi ito at palabiro, magaling pang makisama. Ewan ko nalang kung pakawalan pa ito ng boyfriend niya. Sobrang layo ko pala sa kanya. Masaya siya, kahit sa hirap ng buhay, masaya siya. Kasi mayroon siyang minamahal na kakapitan niya, she has her family and her boyfriend. My family is always busy. At ang taong tanging makakapitan ko sana ang naghulog sa akin.
"Hoy! Baka kung anong gawin niyo, ha..." Biro ko.
"Minsan lang naman." Pakikisakay nito. "Ikaw ah, mukang marami kang alam sa mga ganyan."
"Huy, wala akong alam sa mga ganyan."
"May asawa ka tapos wala kang alam sa mga ganyan?" Sagot nito. "Ano bang itsura ng asawa mo at bakit sobrang nag-aalala sayo sila ate Crystal at ang mama mo? Gwapo siguro kaya iniiyakan mo."
Ngumiti ako. Naalala ko nanaman ang mukha niya. His eyes, his perfect jaws, his soft pink lips and the way he plays with it when he's frustrated, at ang pagkatangos ng ilong nito. All of which I used to stare kapag kasama ko siya. I can imagine him at the back of my head. He was just standing there in the corner, smiling at me. Ang sarap mag imagine ng mga bagay na malabong mangyari. I don't think I will ever see that sincere smile that is in the back of my head. Lahat ng nangyari samin ay kasinungalingan lang, there's nothing sincere about it. All those smiles he gave me, lalong lalo na nung ibinigay niya sa akin ang kwintas, all of those were fake. Hindi sincere yun. Grabe siya maglaro.
"Well, physically, he's the most perfect man I've ever seen... he's tall and handsome. Pero sa loob, he's not the same. He's very very smart, at ginagamit niya ang utak niya sa lahat ng bagay. Naloko niya ako to get what he wanted." Sagot ko. Remembering him makes me cry. I don't wanna act tough kasi I'm not. Nalulungkot ako at iyon ang nararamdaman ko. I don't need to hide it. "Ngayon ko lang na-realize na ang tanga ko sa ilang buwan na iyon... sobrang tanga ko."
I want to move on. Gusto kong dumating yung araw na wala na akong nararamdaman. Yung pakiramdam na okay na ang lahat. I miss those days na wala akong sakit na nararamdaman kagaya nito. But one day magiging okay din ako. I will find someone na ipaglalaban ako at hindi ako gagamitin. One day I'll have my own family at wala na akong pakialam kay Austin. Wala na akong maramdaman na kahit ano sa kanya kapag nagkasalubong kami. Yung tipong ubos na lahat ng emosyon ko pagdating sa kanya. One day I'll be okay with it.
Pero sa ngayon I still can't bear the thought of myself loving somebody else than him. I can't imagine bumping into him habang kasama ko ang magiging pamilya ko at ang pamilya niya. Not yet but someday I surely will.
Maya maya ay kumatok sa front door. Naiwan atang bukas ang gate. Nagtataka ako kung sino dahil maaga pa para sa uwian ni yaya Millet at Dani.
"Ako na magbubukas..." Sabi ni Marie. Tumango ako at hindi tumayo sa kinauupuan ko at sinundan ko lang siya ng tingin habang palabas ng kusina.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik ito sa kusina at nagmamadali. Pulang pula pa ito.
"Sino yun?" Tanong ko.
"Madison, may gwapo sa labas. Iyon ba yung asawa mo? Tall at handsome diba? Pucha!"
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko....
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...