Chapter 45

441 15 4
                                    

Hindi na muna ako bumalik sa hotel. Bahala na kung magalit man si Austin. Kailangan kong daluhan ang anak ko ngayon. Nagtatanong si Drew sa mga nangyayari. Inexplain ko sa kanya ang lahat nang matulog na si Felicity sa sasakyan. 

"Sa tingin mo nahalata niya si Felicity? Did he asked for her age or whatever questions that would connect?" Tanong niya. I bit my lip. No clue. 

"There was no clue. Hindi siya nagtanong o kahit na ano. I guess he didn't feel it. O baka naramdam niya pero ayaw niya." sagot ko. Bumigat ang pakiramdam ko nang maisip ko 'yon. Nalulungkot ako para kay Felicity. Kung ayaw sa kanya ni Austin, it would hurt her. Hindi ngayon, pero alam ko balang araw maghahanap siya ng ama. 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Natatakot akong malaman ni Austin na anak niya si Felicity, pero gusto kong mahalin niya si Felicity gaya ng pagmamahal ng isa ama. There is no in between. I'm hopeless. 

Pagkauwi ko ng bahay ay nagtataka si mommy at daddy kung bakit maaga kami nakauwi ngayon ni Felicity. Papaalis palang sana ang driver para sunduin si Fizzy sa school pero kasama ko na siya. Kinwento ko sa kanila ang nangyari. Alalang alala si mommy at daddy nang ipakita ko ang pasa. Sinabi ko rin na anak ni Atty. Castillo ang umaway kay Felicity. 

"Then... andun po si Austin." sagot ko.

Nalaglag ang panga ni mommy. Si daddy naman ay ngumiti pa. 

"Anong ginagawa dun ni Austin?" tanong ni mommy. 

"Mabuti yan, Madison. Alam niya na anak niya si Felicity?" tanong naman ni daddy. 

Liningon ko si Felicity na nakikipaglaro na ngayon kay yaya. "Ano ka ba! Marinig ka nga ni Felicity!" Pinagalitan ni mommy si daddy dahil baka marinig niya. 

"Mas mabuti ngang marinig niya para maghabol siya sa daddy niya. Sa ganung paraan, magkakabalikan sila ni Madison." sagot ni daddy.

"Hindi po ganun, dad, ma." sagot ko. Yumuko ako and then I bit my lip. "Si Sophia po, yung best friend ni Felicity... 'yon po ang anak nila ni Lexie." Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko tuloy ang bigat ng pakiramdam ko. "So kahit na sabihin niyong magkakabalikan kami dahil kay Felicity, hindi rin po... kasi may responsibilidad din po siya sa iba. Sa babaeng mahal po niya." 

Nalaglag ang panga nila pareho sa sinabi ko. They didn't know. Malamang ay tinago ni Austin iyon kay daddy kahit na nagkakasama sila madalas. Nahihiya si Austin dahil syempre, daddy ko 'yon. Kapag sinabi niya ay parang pinapamukha niya na rin kay daddy na sinaktan niya ang anak niya. 

"Hindi. Mas may karapatan ka! Ikaw pa rin ang asawa... mas malaking posibilidad na kayo pa rin sa huli." Giit ni daddy. Bumuntong hininga ako. Hindi ko pa nasasabi sa kanila pala na nakausap ko na si Austin tungkol sa annulment.. 

"Dad... nakausap ko na po siya tungkol po sa annulment." sagot ko.



Tumayo si daddy, galit. "ANO?! Ginawa mo 'yon nang hindi mo man lang kami kinakausap? Paano nalang ang lola mo, ha? Your grandma wanted this! Paano nalang ngayon?" Galit na galit siya. Tumayo na rin si mommy para awatin siya at pakalmahin. Yumuko ako. 


"Mommy?" Sumilip si Felicity nang narinig niya ang ingay. Kumalma na rin si daddy dahil ayaw niyang makitang natatakot si Felicity. Lalo na ngayon, dahil sa nangyari sa kanya kanina. 



Hinilamos nalang ni daddy ang mukha niya gamit ang palad niya saka umalis. Kahit naman ipilit na daddy, hindi na kami magkakabalikan! Kahit gusto niya, kung ayaw naman ni Austin? Kung ayaw ni Austin, ayaw ko na din! Hindi ko na kayang bumalik sa kanya. Hindi ko na kayang bumalik sa dating sitwasyon namin. Na kahit nasa iisang bubong kami, nagkukunwaring mag asawa, sa huli, may iba pa rin siyang babaeng mahal. Dalawa pa, actually. Si Ms. Wong o si Lexie. Hindi ko alam kung kanino siya mas seryoso. Ano 'yon, tatlo kaming maghahati sa kanya?'Wag nalang! 

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon