Chapter 20

498 11 0
                                    

May seminar kami nang Sabado kaya kinakailangan kong umattend kahit na wala akong klase. Sabay kami ni Austin pumasok.

Tahimik lang siyang nagdadrive, minsan ay sumusulyap-sulyap ako sa kanya. Gusto kong mag usap kami. I don't want this awkward silence. I can't think of any topic!

"Austin?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Yes, baby?" Hindi niya inaalis ang tingin niya sa daan habang sinasabi 'yon. Nakagat ko ang labi ko. Why is he like this!

"W..wala naman d-dito y...yung mommy mo, Austin... Hindi mo na kailangang tawagin ako niyan." Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko.

"Why? Ano ba gusto mo? Love nalang?" Sabi niya. Saktong traffic noon, pinaglalaruan niya lang ang labi niya at tumingin siya sa akin. "Ano yun, love?"

"A-ah...ano, kasi, itatanong ko sana kung ano oras ang uwi mo mamaya..." Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa mga sinasabi niya.

"Why aren't you calling me love? From now on, you should call me love..." Sagot nito na sobrang nagpapula ng pisngi ko.

"Hindi naman necessary, k..kasi wa..wala namang nakakarinig." Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at tumitig. Pagkatapos ay tumingin siya sa baba at bumalik ang tingin niya sa manibela. "Para ma.. masanay tayo."

Did he just stutter?

Nilaro niya ang ulit ang labi niya pero iba ang awra niya ngayon. Mukha siyang hindi mapakali. I looked down. He's just so hot!

"Free cut ako sa huling dalawang subject ko, hanggang 12 lang ako..." Bigla siyang nagsalita matapos ang ilang minutong katahimikan.

"Ah..."

"Hihintayin mo ba ako?" Napatingin ako sa kanya. Hindi siya tumitingin sa akin. Seryoso lamang ang tingin niya sa daan.

"H-ha? A..ano ka ba.... Hanggang ten lang ako, Austin..." Sagot ko.

"Bakit si Drew kaya mong hintayin?" Nakatingin pa rin siya sa daan habang nilalaro ang labi niya. Ang isang kamay niya ay nasa manibela.

"H-huh? Ano ka ba, Austin... isang oras ko lang naman siya inantay non." Sagot ko. Kinagat ko ang labi ko. I don't see the need to bring this topic up.

"Can't you wait for two hours? I'm your husband and he was just your best friend's boyfriend. Mas higit dapat ako sa kanya." Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.

"S-sige... Aantayin kita." Hindi ako tumigin sa kanya, nakatingin lang ako sa daan. Nakahinto kami dahil sa stop lights.

Lumingon siyang muli. "Good." Then inabot niya ako to kiss my forehead.

Nagulat ako. Nahihiya ako dahil nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Nakakahiya ang pamumula ng pisngi ko!

Nang bumaba kami ng sasakyan ay nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko, and intertwined his fingers to mine. His other hand is holding his notebook and pen. Napatingin sa amin ang mga tao.

He's a lot taller than me. He's wearing a v neck shirt at mas nauuna siyang naglalakad sa akin. Kitang kita ko ang broad shoulders niya. He's so sexy. Damn Madi! You shouldn't have this kind of thought, nasa school ka!

Magkahiwalay ang building kung saan ang seminar namin at kung saan ang room niya. Kinagat ko ang labi ko. Hindi man lang siya nagsasalita habang naglalakad kami.

"Austin... dito na ako." Sabi ko nang malapit na kami sa building ko. Bibitiwan ko na sana ang kamay niya nang hinigpitan niya lalo ang pagkahawak sa akin.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon