Chapter 50

497 15 2
                                    

Binigyan ako ni Austin ng longsleeve polo para ipalit sa nabasa kong damit. Nung una ay ayaw kong sumama sa kanya sa penthouse. Sinamahan kami ni Mrs. Peco paakyat, pero bumaba na rin ito matapos nilang mag usap ni Austin. I'm in his room. Binigyan niya ako ng soup.

Nahihiya pa rin ako sa nangyari. Nakaupo ako sa kama niya at umupo siya sa harap ko. Iniiwasan ko ang mga titig niyang nag aalala.

"I'm sorry you have to suffer.... because of me." Sabi niya habang tinititigan niya ako. Hindi ako kumibo. Asan na Madi? Asan na yung galit na iniipon mo sa kanya? Bakit hindi ka makakibo ngayon?

He caressed my hair, to my ears. Napapikit ako. Hinalikan niya ako sa noo saka siya tumayo. I can still feel the awkwardness when I'm around him.

"Galing ako ng Thailand. I didn't know there was something going on here. Shouldn't have left you with Adelaide after we broke up." Sabi niya. He's shirtless and I'm trying hard not to stare at him. Nakakainis. "I didn't know she was that crazy."

Pumasok siya ng banyo at pagbalik niya ay may dala na siyang first aid kit. Bumuntong hininga ako. I checked on my arms. Hindi ko napansin ang pagkahapdi nito kanina nang yakapin niya ako. I almost forgot about it because of his presence.

Kumuha ito ng bulak at nilagyan ng betadine. Bumilis ang paghinga ko sa kaba. I'm hemophobic at madali akong mahilo pag nakakakita ako ng dugo o di kaya'y pag ginagamot ito. Shit. I think I'm going to faint.

Pumikit ako. Dumampi nang dahan dahan ang bulak sa braso ko. I bit my lip. Dahan dahan ang ginawa ni Austin sa braso ko.

I opened my eyes. At seryoso siya sa paggagamot sa braso ko. I can't help but stare at him.

He's more handsome now. His lips are still the same old red lips. Nakakaakit... You'll get addicted to it just by staring.

Kumalabog ang puso ko nang lingunin niya ako. Nagkakatitigan kami pero agad niya ring binawi. He looked on the floor and smiled. Dinilaan niya ang ibabang labi niya saka tumingin ulit sa akin.

"I-I'm sorry, Madi...." Lumunok ito at naging seryoso ang ekspresyon. "Your presence is just intimidating... Nakakapanibago. You're still the same old cry baby. Pero pakiramdam ko, nagbago ka na... You're no longer my Madi. At naiinis ako habang iniisip ko ang limang taon na wala ka."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He's intimidated? Austin is intimidated by my presence?

"Five years of bad days without you, Madi. Pagbalik mo may anak ka na.... But I can't be mad at you. Hindi ko kaya. I just love you too much." Sabi niya. Ayokong maniwala. But I can hear the sincerity in his voice.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon