Chapter 27

474 17 7
                                    

Nagluluto na si manang ng panggabihan nang biglang may nagdoorbell. Nagkatinginan kami ni Austin. Pagkatapos ay nagkatinginan si Lexie na nakaupo sa couch.

Binuksan ni Austin ang pintuan at laking gulat namin nang makita ang mommy at daddy niya na mukhang galing pa sa trabaho. Ang daddy niya ay nakabusineaa attire pa at ang mommy niya ay nakadress.

"Mom... Dad." Sabi ni Austin. Napalingon ako kay Lexie at napansin kong suot pa niya ang oversized shirt ni Austin kaya nilapitan ko siya at umupo malapit sa kanya.

"Good evening, tito, tita..." Sabi ko. Ngumiti ang dalawa sa akin.

"Good evening." Sagot naman ni tita Amanda. "Who's she?" Nakangiting tanong nito.

Napatingin si Austin sa gawi namin at parang kinakabahan. Nang magsasalita na sana siya ay inunahan ko..

"Tita Amanda, best friend ko po. Si Lexie. Mag isa lang po kasi siya sa apartment niya kaya pinatuloy namin siya dito..." Sagot ko.

"Nasaan ang asawa mo, hija." Tanong ng daddy ni Austin.

"Ah... ano po.."

"Nandun po sa apartment nila kaya lang dito muna siya kasi nag aaral po yun, kaya hindi rin siya maalagaan. Pero pumupunta naman po dito."

"Oh okay.. Anyways, nag grocery kami for the two of you." Sabi ni tita Amanda and then led the driver in.

"We also wanted to check in you two. Mukang okay naman so..." Ipinasok ni tito ang kamay niya sa bulsa.

"Okay na." Nagtinginan ang mommy at daddy niya at nagngitian. Napangiti rin ako. After all those years, sila pa rin. Kaya naniniwala akong I can keep my marriage is because of couples like them, my parents. I've also seen how perfect my older sister's marriage is.

Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang dahilan. I'm still on my 3rd subject so I still have two more subjects pero gusto ko nang umuwi. Pinipilit kong makinig sa sinasabi ng professor ko pero hindi talaga ako mapakali.

"Okay ka lang?" Tanong ni Andrea. Kaibigan ko siya dahil magkaklase kami sa ilang subjects.

Tumango ako. Nasa pinakagilid ako at nilagay ko sa notebook yung cellphone ko. I received a message from Drew.

Drew:
Kay Ms. Dela Cruz ang class mo ngayon, diba? Pupuntahan kita, I'll give you something.

I bit my lip. Ayaw ni Austin na makipagkita at makipag usap ako sa kanya. I understand him.

Me:
Drew wag na. Baka makita ka ni Austin.

Pagkasend ko nun, napalingon ako sa glass window at nakita ko don na nakangiti si Drew at kumakaway. Bumuntong hininga ako.

Tinignan ko ang orasan, 5 minutes nalang at dismissal na. Sinasagad kasi ng prof na to ang oras niya palagi.

Pagkatapos ng klase ay agad akong tumayo. Nang lilingunin ko na sana si Drew para sumenyas ng 'wait' ay halos mapatalon ako nang makita ko ang matatalim na titig ni Austin. Kumalabog ang puso ko. Halos mamanhid ako.

Agad akong lumabas ng pintuan at hinila ni Austin ang kamay ko palabas ng school.

Hindi siya kumikibo sa sasakyan. I still have subjects today at ganun din siya. Pero pauwi na kami ngayon. I want him to talk! I'm more bothered kapag hindi siya nagsasalita.
"Austin. Sabi niya kasi may ibibigay lang siya sa akin." Sagot ko.

Hindi siya kumibo at nagpatuloy sa pagmamaneho. Naiinis na ako! Ayoko ng ganito...

Nakauwi kami nang bahay nang hindi niya ako sinasagot o kinakausap man lang. Pagdating sa bahay ay hindi ko naman siya makausap dahil andun si Lexie. Naiinis ako.

"Madi?" Narinig kong tawag sa akin ni Lexie galing sa kusina. Lalo akong nairita sa hindi ko alam na dahilan.

"Ano?" Sagot ko.

"Pwede mo akong tulungan?" Lumabas siya ng kusina. May buhat itong malalaking box. "Ang bigat..."

"Eh, bakit ka kasi nagbubuhat niyan? At bakit ba meron niyan dito? Nakakasikip ka na nga dito lalo ka pang nagpapasikip eh..."

"Sige na, Madi. Hindi ko rin mababa dahil baka mabasag ko. Pinadala kasi ito kanina ng mommy ni Austin.." Halatang hinihingal ang boses nito. Alam kong nagpapaawa lang siya. Alam ko naman kung ano talaga ang ugali niya. She's a devil disguised as an angel.

Hindi ko siya pinansin.

"Madi, please!" Sumigaw ito. Nairita ako kaya tumayo ako para lumapit sa kanya. Pero huli na ang lahat...

Paglapit ko sa kanya ay nabitiwan niya ang malaking box at napahawak sa tiyan niya. Sumisigaw ito sa sakit.

"Shit. Lexie!" Napasigaw din ako. Akma akong lalapit at tutulungan siya nang itulak ako ni Austin nang malakas palayo at saka hinawakan si Lexie.

"Manang... Pakiopen 'yung gate. Tsaka pakikuha nung susi ko sa taas." Natatarantang sambit nito. "Kuya! Pakitulungan ako kay Lexie!"

I was worrying about Lexie pero bigla yatang bumigat yung pakiramdam ko nang itulak niya ako nang malakas. I was biting my lip hard. I wanted to help really bad but I'm panicking.

Inalalayan ni Austin patayo si Lexie. Lumapit ako para subukan siyang tulungan pero tinignan niya ako nang masama.

"Leave us alone, Madison!" Sigaw nito kaya napaurong ako. I bit my lip. Pinilit kong hindi pumatak ang namumuo kong luha.

Si kuya driver na ang nag aalalay kay Lexie palabas ng gate. Tumingin sa akin si Austin. "Kapag may masamang nangyari sa mag ina, kalimutan mo na lahat ng pagsasama natin, Madison."

"Wag namang ganun, Austin..." My voice cracked. Nagbabadya nang pumatak ang luha sa mga mata ko. "K-kung galit ka pa rin dahil k-kanina... I'm sorry, pag usapan natin to pagbalik mo..."

"Can you stop being selfish?! Si Lexie ang pinag uusapan dito! Si Lexie at ang bata. Pwede bang ipasintabi mo muna kung anong gusto mong sabihin?" Namumula ang mga mata nito sa galit. "And I don't care. Hindi mo na kailangang mag explain dahil kung gusto mo sa kanya edi sa kanya ka! May kanya kanya tayong buhay at alam natin sa sarili natin na ang kasalang ito ay walang pagmamahal na kasama. Don't think we'll be able to fix this, kasi in the first place wala namang problema. You live your life, I live mine. Hindi ako nagseselos kung iyon ang iniisip mo! I will never love you!"

Saka tumalikod ito.

Paglabas niya ng pintuan ay hindi na ako sumunod para silipin si Lexie dahil nag unahan nang pumatak ang luha sa mga mata ko. His words cut deep to my heart and to my soul. Naninikip ang dibdib ko...

Saka ko na realize na grabe pala ang pagod ko. Pagod na pagod ako. I waited long for him pero hindi ako sumuko because I was motivated by his actions. Pero galing na rin sa bibig niya. He will never love me.

 Ilang palugit na rin ang ibinigay ko sa sarili ko. Ilang beses kong sinabi na ilang araw pa, mamahalin niya din ako. Pero wala pala talaga. Nag akala ako na ayan na, pero nanggaling na rin sa bibig niya na wala. Lexie is still, and will always be the one for him. All those days, wala pa rin pala talaga siyang pagmamahal sa akin. I was just his substitute. Tama ang hinala ko noon pa. I only exist to him kasi ang pagpapakasal niya sa akin ang magiging susi para makuha niya ang lahat ng gusto niya. He's so selfish. He called me selfish when I have been selfless for him all along. It's so sad na hindi niya nakita iyon. 

Madaming pumatak na luha galing sa mata ko... Ang hirap palang mag mahal. I thought it was all about happiness and comfort. Hindi pala. There are consequences. Hanggang sa maging malabo ang lahat hanggang sa naging blanko ang lahat...


(A/N: Hi guys! Sorry matagal mag update, kasi naman may exam.. But tomorrow will be my last two exams so baka mag update na ako nang mag update. Anyways, I was thinking of writing more of Madi's selflessness pero I don't wanna bore you so here it goes!!!! Thank you for reading. x)


Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon